top of page
BIDA - ALEX EALA, MAY MGA BASHERS NA FOREIGNER-IG _alex.eala.jpg

Alex Eala kampeon, sinungkit ang kauna-unahang WTA singles title matapos talunin ang world no. 3

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 3 min read

by Info @Sports News | August 4, 2026



Alex Eala, kampeon sa Mubadala DC 2026 - WTA

Photo: Alex Eala, kampeon sa Mubadala DC 2026 - WTA



WASHINGTON, D.C. — Gumawa ng kasaysayan ang 21-taong-gulang na si Alexandra "Alex" Eala matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA 500 singles title sa 2026 Mubadala DC Open sa pamamagitan ng pagtalo kay world number three Jessica Pegula, 4-6, 6-4, 6-0.


Ang panalong ito ang nagtulak sa kanya sa bagong career-high na World No. 20 at nagpatunay sa kanyang husay matapos talunin ang ilang top-ranked players sa torneo.


Dahil sa makasaysayang tagumpay na ito sa William H.G. FitzGerald Tennis Center, si Eala ang naging kauna-unahang manlalaro mula sa Pilipinas—at maging sa buong Timog-Silangang Asya—na nagkampeon sa isang prestihiyosong WTA 500 tournament. Dahil dito, lumundag ang kanyang ranking sa bagong career-high na World No. 20 sa pinakahuling talaan ng WTA.


Bago pa man ang finals, itinuturing nang "giant-slayer" ang kampanya ni Eala sa Washington matapos niyang daanan ang mga naglalakihang pangalan sa mundo ng tennis:

  • Round of 16: Pinatalsik ang defending champion na si Leylah Fernandez ng Canada (6-2, 7-6).

  • Quarterfinals: Ginulat ang World No. 10 at tournament second seed na si Elina Svitolina ng Ukraine (6-3, 6-4).

  • Semifinals: Dinurog sa straight sets ang dating World No. 1 at four-time Grand Slam champion na si Naomi Osaka ng Japan (6-4, 6-2).


"I feel so much love. My first chance at a title, knowing it won't be the last, and already having achieved this milestone for my career," pahayag ni Eala sa kanyang on-court interview habang buong-giting na itinataas ang Mubadala DC Open Trophy sa harap ng naghihiyawang mga tagasuportang Pilipino. "Standing here in the middle of all this love... I knew that whatever would have happened after this match, it would have already been a win for me."


"To see how far you've come over the last couple of years… to see the amazing fans that follow you every place you go... I think it's amazing," ani Pegula sa trophy presentation. Saad ni Pegula.


Bukod sa makasaysayang 500 ranking points, iuuwi rin ni Eala ang premyong nagkakahalaga ng $252,000 (mahigit Php 15 milyon). Ang tagumpay na ito ay nagsisilbing perpektong bwelo para kay Eala papasok sa North American hardcourt swing patungo sa prestihiyosong US Open.





EALA MAY TSANSA SA 3RD SINGLES TITLE, TOP 20 POSIBLE 



EALA MAY TSANSA SA 3RD SINGLES TITLE, TOP 20 POSIBLE 

Photo: MATINDING ulan ang nagpasuspinde sa final match kahapon ng madaling araw nina Alex Eala at Jessica Pegula sa Mubadala DC Open at nire-schedule na lamang ngayong umaga ang kanilang laban. 


NANANATILING buhay ang tsansa ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala na makopo ang ikatlong singles title at kauna-unahang Women’s Tennis Association (WTA) 500 tournament finals sa Mubadala DC Open kontra World No.3 Jessica Pegula ng U.S. ngayong madaling araw kasunod ng 4-6, 2-1 na iskor sa William H.G. FitzGerald Tennis Center sa Washington, DC. 


Naantala ng malakas na ulan ang winner-take-all final match nila kung saan lamang sa unang set na panalo ang 32-anyos na Amerikana na target ang ika-12 na titulo sa singles match, habang puntirya ng 21-anyos na Pinay na masundan ang 2 WTA 125 titles at makabawi kay Pegula, na bumigo rito sa 2025 Miami Open semifinals match. 

Sakaling mas maging maganda ang panahon, tuloy ngayong madaling araw oras sa Pilipinas ang laban. 


Ayon sa weather forecast ng Accuweather, “Cloudy and very humid conditions with showers and a heavy thunderstorm." Pumasok sa pinakamataas na puwesto sa World Rankings si Eala sa No.24 sa bagong labas sa WTA Live Rankings, kung saan mula sa World No. 28, tumalon ng apat na baytang si Eala matapos padapain sina Zheng Qinwen ng China, defending champion Leylah Fernandez ng Canada, World No. 10 Elina Svitolina sa quarterfinals, at isinunod si dating World No. 1 Naomi Osaka ng Japan. 


Nagsimula lang ang SEA Games gold medalist noong 2025 season sa World No. 168 sa rankings – at posibleng tumuntong ito sa pinakamataas na ranggo sa Top 20 sakaling talunin ang pambato ng Florida na runner-up sa 2024 US Open at kampeon sa 2019 DC Open.  (Gerard Arce)


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page