Alert Level 1 pa rin Bulkang Bulusan, Taal, patuloy na naglalabas ng plumes, sulfur dioxide
ni Lolet Abania | July 17, 2022

Patuloy na naglalabas ng plumes at sulfur dioxide ang Bulusan Volcano at Taal Volcano habang nananatili ang mga ito sa ilalim ng low-level unrest, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo.
Sa kanilang 8AM bulletin, ipinakita ng PHIVOLCS na ang Bulusan Volcano sa Sorsogon ay nakapag-generate ng 919 tonnes ng sulfur dioxide (SO2) noong Hulyo 15, habang umabot ng 500 metrong taas ang tinatawag na “voluminous” plume nito ang nag-drift pa-timog-kanluran.
Ayon din sa PHIVOLCS, apat na volcanic earthquakes ang nai-record mula sa Bulusan Volcano kung saan anila, “edifice is inflated” o napalaki ito.
Samantala, nakapaglabas ang Taal Volcano sa Batangas ng 3,645 tonnes ng SO2 noong Hulyo 15 habang isang “moderate” 1,500-metrong taas ng plume ang nag-drift pa-timog-silangan.
Sinabi ng PHIVOLCS, wala namang nai-record na pagyanig sa Taal Volcano, subalit ang Taal Volcano Island at Taal Caldera ay patuloy na anila, na umimpis o deflated.
Kapwa ang Bulusan Volcano at Taal Volcano ay isinailalim sa Alert Level 1 na anila, “[they might have a] slight increase in volcanic earthquake and steam/gas activity, sporadic explosions from existing or new vents, notable increase in the temperature of hot springs, slight inflation or swelling of the edifice.”
Babala pa ng PHIVOLCS, “hazards such as steam-driven or phreatic or gas-driven explosions, earthquakes, and minor ashfalls may occur at Taal Volcano, while there might be sudden steam-driven or phreatic eruptions at Bulusan Volcano.”
Ayon pa sa PHIVOLCS, ipinagbabawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone (PDZ) ng mga ito, gayundin ang pagpapalipad ng anumang aircraft na malapit sa bulkan.





Comments