top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Alert Level 1, ‘di muna tatanggalin

BULGAR
Mar 20, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 20, 2022


Posibleng manatili sa Alert Level 1 ang restriksiyon hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng nauna nitong pahayag hinggil sa posibilidad na ibaba pa sa Alert Level 0 ang restriksiyon kung patuloy na bababa ang bilang ng mga hawahan ng COVID-19.

Paliwanag ng kalihim, wala pang polisiya tungkol sa posibleng pagpapatupad ng Alert Level 0 at ito ay pinag-aaralan pa rin. Sa ngayon, ang pinagtutuunan aniya ng pansin ay matulungan ang mga lugar na nasa Alert Level 2 na maibaba sa Alert Level 1 sa pamamagitan ng pagpapataas ng bilang ng mga may bakuna laban sa COVID-19.

Matatandaang unang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakahanda na ang mga alkalde para sa pagpapatupad ng Alert Level 0.

Samantala, muling ipinaalala ni Duque na hindi pa dapat tanggalin ang pagsusuot ng face mask dahil may naitatala pa ring hawahan sa bansa.

Kung maganda naman ang magiging epekto ng pagpapatupad ng Alert Level 1 sa ekonomiya at pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa mga lugar kung saan ito umiiral, dapat lang itong ipagpatuloy. Tutal, ang pangunahin namang layunin nito ay patuloy na umusad ang ekonomiya, mabuting panatilihin ang kasalukuyang restriksiyon.

Ang mahalaga ngayon ay patuloy ang pagbaba ng hawahan, gayundin ang pagbalik ng mga pinagkakakitaan.

Kaya pakiusap sa mga kinauukulan, bantayang mabuti ang mga pagbabago at datos nang sa gayun ay mas maingat tayong magluwag pagdating ng panahon.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page