ALDEN, TAKOT TUMANGGAP NG BAGONG MOVIE DAHIL BAKA 'DI MAPANTAYAN ANG HLG NILA NI KATHRYN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 23, 2023

Sobrang proud and flattered si Alden Richards na ang movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye ang itinanghal na highest-grossing Filipino film of all time at nalagpasan na ang record ng mga pelikula ni Vice Ganda.
Pero, dahil din dito kaya hindi siya basta tumatanggap ng mga movies ngayon. May pressure na kaakibat ito dahil malaki ang expectation ng publiko na hihigitan o mapapantayan man lang ang kinita ng Hello, Love Goodbye ng susunod niyang movie.
Well, may mga nag-a-advise kay Alden na hindi ito ang dapat na maging panuntunan niya sa kanyang showbiz career. Artista siya kaya dapat na makatrabaho niya ang iba pang magagaling na artista upang mas humusay siya sa pag-arte.
‘Wag siyang padadala sa pressure ng mga tao sa kanyang paligid. Bakit naman ang ilang malalaking artista na tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos, Christopher de Leon, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual atbp. ay tuluy-tuloy sa paggawa ng pelikula kahit hindi gaanong kumikita sa takilya?
Wala namang assurance kung ano’ng pelikula ang magiging box office hit sa takilya. Ang importante ay makagawa ng pelikulang de-kalidad at puwedeng ipagmalaki kahit kanino. At ‘yung magkaroon ng feeling of fulfillment ang isang artista sa kanyang role na ginampanan.





Comments