top of page
Search
  • BULGAR

Alden, nasa Hong Kong na para sa shooting ng 'Hello, Love, Again'

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 16, 2024



FIle Photo

Lumipad na pa-Hong Kong ang aktor na si Alden Richards para sa shooting ng inaabangang reunion movie nila ni Kathryn Bernardo na 'Hello, Love, Again.' Kasama ng aktor sa shooting ang mga co-stars niya na sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam.


Ipinost ni Joross ang isang larawan sa Instagram kasama sina Alden at Jeffrey sa isang balkonahe na may mga gusali ng Hong Kong sa background. “Joy is where?” caption ni Joross sa post, na tumutukoy sa karakter ni Kathryn Bernardo.


Nag-post din si Jeffrey ng larawan nila na naka-casual outfit na may hashtag na #JeJoDen. Isang blockbuster movie ang "Hello, Love, Goodbye" noong 2019, na umiikot ang istorya kina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) mga OFWs sa Hong Kong na minahal ang isa't isa sa kabila ng mga pagsubok. Lumipat si Joy sa Canada para sa mas magandang buhay.


Sina Joross at si Jeffrey naman ang mga ka-roommate at katrabaho ni Ethan sa isang bar. Sa sequel na "Hello, Love, Again," muling magkikita sina Ethan at Joy sa Canada. Ipapalabas ang pelikula sa Pilipinas sa Nobyembre 13, na unang collaboration project ng GMA Pictures at Star Cinema.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page