top of page

ALDEN, MAY PA-BOUQUET NA, MAY REGALO PA KAY KATHRYN

  • Writer: ffernandoangela
    ffernandoangela
  • Apr 3, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 3, 2024




Gumawa ng ingay ang magkaibigang Kathryn Bernardo at Alden Richards kamakailan matapos na mag-viral ang kumakalat na bagong video ng dalawa sa isang event.


Ilang mga X users kasi ang nag-upload ng clips ng dalawa kung saan nagse-selfie ang mga ito at isa namang may pa-surprise gift at bouquet si Alden para sa aktres.


Sa video kasi na ipinost ni user @boxofficequeen sa X, makikita si Alden na dumating sa nasabing event na may hawak na malaking bouquet ng bulaklak sa isang kamay.


Agad namang lumapit si Kathryn na kinuha ang bouquet at isang regalo mula sa aktor.


Mas napukaw pa ang atensyon ng mga netizens nang makita ang isa pang viral video ng dalawa na nagte-take ng photos together.


Very supportive naman ang “madlang-kapuso” sa mga kumakalat na videos. Sey nga nila, deserve na deserve ni Kathryn ang isang good boy naman this time.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page