ALDEN, MAY BAGO NANG NILILIGAWAN
- BULGAR
- Oct 14, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 14, 2023

Wow! Alam kaya ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagkagusto sa kanya noon si Alden Richards?!
Sayang at hindi yata naharap ni Alden ang seryosong panliligaw kay Queen P. dahil sa sobra niyang kaabalahan noon sa kanyang career. At kung hindi dumating sa buhay ni Pia si Jeremy Jauncey, posibleng nagkaroon ng pag-asa si Alden kay Pia.
Pero, mukhang hindi nga itinakda si Alden para sa beauty queen. Ngayon, tulad ni Maine Mendoza ay may asawa na rin si Pia at masaya sa kanyang married life.
Nababalita ngayon na may bagong nililigawan si Alden Richards pero ayaw pa niyang i-share sa publiko kung sino ang lucky and special girl sa buhay niya.
Sa career pa rin naka-focus ang atensiyon at panahon ni Alden Richards.
Ganunpaman, nasabi na niya noon sa isang interview na at the age of 35, nakikita niya ang sarili na may asawa’t anak na. Hindi naman niya pinangarap na maging single for life.







Comments