AlDub fans, todo-push na gumawa uli ng movie… ALDEN, JOIN SA B-DAY PARTY NI MAINE
- BULGAR

- Mar 5
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 5, 2025
Mga comments gaya ng “The world is healing,” ang nabasa namin nang dumalo si Alden Richards sa birthday party ni Maine Mendoza noong isang gabi.
Wala namang isyu sa dalawa, kaya lang, hindi na lang sila nagkita mula nang mawala sa Eat… Bulaga! (EB!) si Alden at nasundan pa nang ikasal si Maine kay Cong. Arjo Atayde.
Ikinatuwa ng AlDub fans ang pagdalo ni Alden sa birthday party ni Maine, kaya lang, tila wala silang photo na magkasama, na silang dalawa lang. Puwede ring may larawan sila, pero hindi pa lang inilalabas.
Ang lumabas lang na larawan na magkasama sina Alden at Maine ay ‘yung nagtsi-cheer sina Alden, Jose Manalo, Allan K. at Tito Sotto, pero, magkalayo sina Alden at Maine.
Okay na raw ‘yun sa ibang AlDub fans, at least, may ebidensiya na dumating sa party si Alden.
Ang kasunod nito ay ang request ng AlDub fans na magkaroon ng reunion project sina Alden at Maine, pelikula raw at ngayon na gawin.
Nabuhayan ang AlDub fans dahil sa isang interbyu kay Alden, nabanggit na gusto niyang muli silang gumawa ng pelikula ni Maine. Papayag din naman siguro si Maine at papayagan siya ni Arjo.
Heto nga at wala pa mang pelikula sina Alden at Maine, confident na ang AlDub na magiging box office ang movie. Hindi raw sila pahuhuli sa pagiging box office hit ng Hello, Love, Again (HLA) nina Alden at Kathryn Bernardo.
MARAMI pala talagang fans si Jai Asuncion, ang influencer na introducing sa horror-thriller movie ni Direk Tom Nava na Postmortem.
Sa mediacon ng movie na may March 19 playdate, nabanggit na may milyones siyang subscribers sa kanyang vlog. Tsinek namin ang Instagram (IG) account nito at may 1.5M followers siya.
Imagine, kung manonood lahat ang followers ni Jai sa kanyang vlog, TikTok at IG, kikita ang first movie niya. May puhunan na ang WeCamp Entertainment for their next project, baka nga kunin pa rin sila ni Agassi Ching sa next project ni Direk Tom.
Kaya sana, sipagan ng dalawa ang pagpo-promote ng movie nila sa kanilang mga followers at fans na rin.
Si Jai ang lead actress sa pelikula. Ang ganda ng billing niya sa poster, pangalan niya ang nasa unahan at siya ang may pinakamalaking photo, na sa laki at close-up pa, kita ang mga ugat na prosthetic lang naman.
But this is something na dapat ipagmalaki at ipagpasalamat ni Jai. First movie pa lang niya, big star treatment na ang ibinigay sa kanya ng director at producer.
Nabanggit ni Jai na open siyang ipagpatuloy ang nasimulan niyang acting career, kung may muling magbibigay sa kanya ng project. Magaling siya at siguradong tutulungan ni Direk Tom.
Sa mediacon pa lang, sobra na ang excitement ni Jai. Madaragdagan pa ang excitement niya sa premiere night sa March 18 sa SM Megamall. Titindi pa ang excitement ni Jai sa simula ng showing ng Postmortem sa March 19.
“MR. NBI,” ang pabirong tawag ni Melai Cantiveros kay Robi Domingo sa mediacon ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBB) dahil nagpunta ang host sa ahensiya.
Maraming tanong si Robi tungkol sa gaya niyang celebrity na pinagbabantaan, na nangyari sa kanya. Wala pa naman yatang balak magdemanda si Robi, kaya makakahinga pa nang maluwag ang nagbanta sa kanyang troll.
Ang gandang pagmasdan na magkakasama ang Kapamilya at Kapuso talents sa isang mediacon na masasaya, nakangiti, at nagbibiruan.
Sabi naman ni Robi, pamilyar na siya kay Gabbi Garcia dahil madalas niyang makasama sa mga hosting gigs.
“It’s my first time with Mavy (Legaspi), we’re just happy na nadagdagan ang pamilya namin... nadagdagan at walang nabawas,” sabi ni Robi.
Tinanong ang mga hosts kung sino ang Kapuso at Kapamilya na gusto nilang maging housemate?
“I’ll go for Alden Richards, para Hello, Love, Again,” sagot ni Robi.
Marami tuloy ang na-excite sakali ngang maging housemate si Alden. Ang request nga ng mga fans, kahit guest housemate lang siya at kahit three days lang. Game kaya si Alden dito?
Anyway, sa Monday pala (March 10) ang guesting nina Robi, Gabbi, Melai Cantiveros, at Bianca Gonzalez sa Family Feud (FF) ng GMA.









Comments