top of page

Alden at Jameson, BFF lang daw talaga… BARBIE, UMAMING MAS NAGING CLOSE SILA NGAYON NI DAVID

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 14, 2025



Photo: Barbie Forteza - IG


Ang haba ng hair ni Barbie Forteza dahil ang daming nali-link sa kanya ngayon. Siyempre, nangunguna sa listahan ang kanyang ka-love team na si David Licauco. Nand’yan din si Jameson Blake na namataang dalawang beses na niyang nakasama sa pagtakbo.


At heto pa, pati si Alden Richards ay inili-link na rin ngayon sa kanya dahil lagi rin silang magkasama sa pagtakbo.


Sa panayam sa aktres ni Nelson Canlas ay isa-isang kinlaro ni Barbie ang relasyon niya sa tatlong aktor.


Aniya, magkaibigan talaga sila ni Alden at hingahan niya ito ng kanyang mga problema.

“I would consider Alden as one of my constant talaga. ‘Yung ‘peg may problema ako, ‘Alden, ganito, ganyan-ganyan.’ Hindi naman ako nangungutang,” ani Barbie sabay tawa.

“Hindi naman ganu’ng level, pero like ‘yung kailangan ko lang ng kunwari, advice…” paliwanag ng aktres.


Pagdating naman kay Jameson, magkasama lang daw talaga sila sa pagtakbo.

“Actually, marami ngang medyo na-confuse kasi papaano naman nagkrus ang landas namin, ‘di ba?


“So ‘yun, nagkasama kami sa pelikula. Itong recent run namin, s’ya naman ‘yung nag-invite. Just like how my other runner friends invite me to run,” paglilinaw ni Barbie.


“So, ‘yun lang ‘yun. ‘Yun lang talaga ‘yun. And we are not together,” dagdag pa niya.


Si David naman, ani Barbie ay talagang mas naging close sila ngayon.


“Simula ng taong ito, I would say na we’ve grown closer talaga as compared to before. I think the care that we have for each other is really genuine,” aniya.


Naitanong din kay Barbie ang pagkikita nila ng ex-boyfriend na si Jak Roberto sa Beyond 75 anniversary event ng GMA-7 recently. Nakunan kasi sila na nag-uusap sa nasabing pagdiriwang.


“Well, about that, since there was a photo that came out, I think I don’t have to discuss it any further kasi may photo na namang lumabas,” maikli niyang sabi.


Sa ngayon ay very much single si Barbie Forteza matapos ang breakup with Jak Roberto. Open naman daw ang puso niya na magmahal muli pero mas gusto niya munang mag-focus sa sarili.



NAGING emosyonal si Kyline Alcantara habang ikinukuwento kung paano siya natulungan ng best friend na si Barbie Forteza sa panahong may pinagdaraanan siya.


Ayon sa aktres sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), bukod sa kanyang pamilya, si Barbie raw ang isa sa mga nakatulong sa kanya para maka-

move on mula sa hiwalayan nila ni Kobe Paras.


“Si Barbie talaga, iba po talaga s’ya. Naiiyak ako,” aniya na naging emosyonal na.


Pahabol niya, “Kasi, iba po talaga si Barbie.”

Dagdag pa niya, “She just gave me my confidence back. She made me realize na ‘Ikaw muna, Mare.’”


Kaya raw sobrang mahal niya ang kaibigan.


“So, whenever I say that ‘I love you, Barbie’ or ‘I love you, Mare,’ galing po talaga sa puso ‘yun kasi, ‘yung relationship namin ngayon ni Barbie, it’s more than co-workers, it’s really beyond that,” sabi ni Kyline.


Sa panahong at a loss siya at hindi malaman kung saan pupunta, lagi raw nandu’n si Barbie.


“At ‘di ko s’ya kailangang tawagan para magpunta s’ya du’n or pumunta s’ya sa bahay. May one time po, tawag s’ya sa akin, ‘O, Mare, papunta na ako, ha? Kakain tayo,’ ganyan. ‘Hindi ka kasi kumakain, kain tayo,’ ganyan.


“Sabi ko, ‘Ha? Hindi pa nakaayos ‘yung bahay namin, teka lang, madumi pa.’ Sabi n’ya, ‘Wala akong pakialam, gusto lang kitang makitang kumain,’ ganyan. ‘Pupunta ko d’yan, usap tayo,’ ganyan.


“So, ako po, du’n ko na-prove na iba talaga si Madam Barbie. That’s why I love her. ‘Yan ang kaibigan talaga. She has a special place in my heart,” tsika ni Kyline.

Tulad ni Barbie Forteza ay single rin si Kyline Alcantara at nasa self-love era rin daw muna siya ngayon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page