top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

ALDEN AT BEA, 'DI MA-TAKE NA FLOP ANG TEAM-UP NILA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | April 29, 2023


Mas madali naman daw tanggapin na may mga pagkakasalungat na nangyari sa pagitan nina Bea Alonzo at Alden Richards sa mga huling araw ng ginawa nilang serye sa GMA-7.


Sagot ito ng ilang "nangingialam" sa PR (public relations) ng dalawa dahil ayaw umanong tanggapin ng mga ito na flop o hindi bumenta ang naging TV show nina Alden at Bea, kaya never na ngang matutuloy ang noon pang pinag-uusapan na movie team-up sana nila.


Diumano ay nag-research muna ang Viva Films (supposedly partner ng GMA Films) hinggil sa chemistry nina Bea at Alden sa mga roles na gagampanan sana nila sa Filipino adaptation ng isang popular na Korean film at lumabas nga sa nasabing research na hindi ganu'n kaswak ang tambalan ng dalawa.


Sa mga totoo namang nakakakilala sa dalawa, ayaw nilang bilhin ang PR stunt na ito dahil anila, "Parehong mabait at walang bahid ng pagiging reklamador o demanding sina Bea at Alden.


Imposible 'yung mga naglabasan na may attitude ang dalawa dahil parehong professional ang mga 'yan."


Baka lang talaga hindi sila destined na magsama muna sa isang movie project dahil na rin siguro sa hindi naging ganu'n kabenta ang tambalan nila sa ginawa nilang serye at for sure ay hindi ito dahil sa lumalabas na isyu tungkol sa attitude nina Alden at Bea.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page