top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Alas vs. Iran agawan sa 7th place, Kazakhs wagi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | June 13, 2026



AVC - Asian Volleyball Confederation

Photo: AVC - Asian Volleyball Confederation



Mga laro ngayong Sabado)

(Candon City Arena)

9:30 am – Kyrgyzstan vs Lebanon

12:30 nn – Uzbekistan vs Hong Kong

3:30 pm – Kazakhstan vs Korea/Chinese Taipei

6:00 pm – Vietnam vs Korea/Chinese Taipei



Nakatakadang makatapat ng Alas Pilipinas women’s national team ang Iran national squad sa ranked 7-8 ng classification match bukas, Linggo ng umaga sa huling araw ng kompetisyon ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup matapos durugin ng Australia ang Uzbekistan sa 4th set, 25-20, 28-30, 25-16, 25-8 kahapon sa Candon City Arena sa Candon City, Ilocos Sur.


Nakamit ng Australia ang kanilang ikatlong panalo sa Pool A para sa 3-2 kartada, habang nasa 2-3 rekord ang Alas Pilipinas, na nagtapos ang magkasunod na taon sa podium finish, kung saan nakamit ang makasaysayang silver medal finish sa Hanoi, Vietnam.


Ito rin ang pagkakataon para sa Alas Pilipinas na maipaghiganti ang nag-iisang talo nito sa pool play noong isang taon. Pagkakataon nina Alyssa Valdez, Jovelyn Gonzaga, Ces Molina, Kyle Negrito, Thea Gagate, at Alyssa Solomon na makabawi sa Iran sa rematch na pinunan ang pag-atras ng national team kasunod ng kontrobersiyang bumalot sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF)/


Bumida para sa Australia si Caitlin Bettenay O’Dea sa 21 puntos at tig-2 blocks, na sinundan ni outside hitter Kayla Cantril sa 15 marka, habang lumista rin ng doble pigura sina Chelsea Cocks sa 14 puntos at Anni Tang sa 13pts, na nakatakdang harapin ang Indonesia bukas para sa 4th at 5th place rankings.


Pinalawak ng Kazakhstan ang winning streak matapos padapain ang defending champion Vietnam sa dikdikang 5th set panalo sa 18-25, 25-19, 23-25, 25-22, 15-13 kahapon kasunod ng mga krusyal na puntos na binira nina Kristina Belova at Yuliya Fomenko, para tapusin ang 23-game winning streak ng Vietnam sapol noong 2023.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page