Alas Phl Women 8th place, Iran 7th sa Candon AVC Cup
- BULGAR

- 3 days ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 15, 2026

Photo: Nagkasya sa 8th place ang Alas Pilipinas women team nang biguin ng Iran sa AVC Cup sa Candon Arena, Ilocos Sur kahapon habang pakay nina AVC Cup President Ramon Suzara at Eric Singson na palawakin pa ang sports sa lalawigan. (avcpix)
Tinapos ng Alas Pilipinas women’s national team ang kampanya sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup sa pang-walong puwesto matapos walisin ng Iran, 21–25, 12–25, 21–25, kahapon ng umaga, na maaaring nagbigay ng huling sipat kay volleyball legend Alyssa Valdez sa national squad sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Nang umatras ang national core sa koponan dulot ng mga isyung bumalot sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), nagkusang saluhin ng dating 3-time collegiate at pro MVP na si Valdez ang tungkulin ng national team.
Bagaman, hindi napantayan ng national team ang silver medal noong 2025 at ang bronze medal noong 2024, hinikayat niya ang nakababatang volleyball players na ipagpatuloy ang pagmamahal sa national team para sa international competition. “Hindi naging maganda ‘yung resulta, pero sana sa mga bata sana wish namin talaga magtuloy-tuloy sila sa pagkatawan sa bansa,” pahayag ni Valdez. Tanging si opposite spiker Alyssa Solomon ang tumapos ng doble pigura sa 12 puntos na sinundan ni Jovelyn Gonzaga sa 6, Nina Ytang sa 5 at Valdez sa 4.
Samantala, mas lalo pang pag-iibayuhin ng Candon City ang maging pangunahing destinasyon ng local at international sports sa bansa sa pagsasaayos ng airport at pagpapaganda pa ng siyudad, kasunod ng dagdag na mga hotels at resort at pagpapalawak ng 8,000-seat na Candon City Arena.
“It’s a long process. The journey is long and a challenging one,” pahayag ni alkalde Eric D. Singson, katuwang ang PSC at International Volleyball Federation (FIVB) at AVC.
“I hope nagawa namin yung kailangang gawin as hosts. It’s a big challenge. We just do our part in developing sports in Candon and provide the necessary infrastructure. We’re working to complete our airport, para magkaroon pa tayo ng mas marami, even bigger events.”





Comments