Alas men at women at swak sa Nagoya Asian Games
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 2, 2026

Photo: Opisyal nang kuwalipikado ang Alas Pilipinas Men at Women sa 2026 Asian Games in Nagoya-Aichi, Japan. Nakuha ng Alas Women ang berth bilang No. 10-ranked Asian team sa FIVB World Rankings, habang ang Alas Men ay kuwalipikado sa No. 15.
Tiyak na paiigtingin ng Alas Pilipinas men at women’s national indoor volleyball team ang pagbuo ng koponan kaantabay ang matinding pagsasanay matapos magkwalipika sa 20th Nagoya Aichi Asian Games sa Setyembre sa Japan.
Malugod na inihayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpasok ng Alas Pilipinas national squads matapos umentra ang women’s sa ‘cut based’ ng International Volleyball Federation ranking sa Asian sa pang-No.10, habang ang Alas men ay No. 15. “This is great news for our volleyball program,” pahayag ni Tolentino, matapos makatanggap ng liham ang POC mula sa Asian Volleyball Confederation (AVC) patungkol sa kuwalipikasyon ng bansa sa Asiad.
May 16 na koponan mula sa men at women’s na kategorya sa Asian Games volleyball sa
Aichi simula Set. 27 hanggang Okt. 3.
Kabilang sa makakasama ng Alas sa men’s team ang Japan, Iran, Pakistan, South Korea, China, Indonesia, Thailand, Qatar, Bahrain, Chinese-Taipei, India, Vietnam, Kyrgyzstan, Kazakhstan at Hong Kong, habang makasasagupa Alas women’s ang Japan, Kazakhstan, Iran, China, Chinese-Taipei, Thailand, Vietnam, Qatar, South Korea, Kyrgyzstan, India, Indonesia, Hong Kong, Mongolia at North Korea.
Kinumpirma ni AVC President Ramon “Tats” Suzara ang magandang balita na inilahad ni Tolentino, kung saan nakatakdang tumayong “caretaker” ang national Olympic body sa mga pangyayari at mga usapin kasunod ng pagsuspinde ng FIVB sa Philippine National Volleyball Federation.
Kinukumpleto ang kuwalipikasyon ng indoor volleyball sa entry ng Pilipinas sa Asian Games matapos ang beach volleyball squad nina Bangkok 2025 SEA Games champions Sisi Rondina at Bernadeth Pons na pasok sa 12-country competition.
Makakaharap ng sand queens ang mga koponan mula China, Japan, Chinese Taipei, Hong Kong, Thailand, Indonesia, Vietnam, Iran, Kazakhstan, Qatar at Oman na gaganapin sa Hekinan City. Magpapadala ang POC ng 700 atleta sa Asian Games na umaasang may magkuwalipika sa esports, modern pentathlon at kyurugi ng Taekwondo.





Comments