Alas masusubok vs. Taiwan para sa asam na AVC semis
- BULGAR

- 17 hours ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 11, 2026

Photo: Walang ibang pakay ang Alas Pilipinas women sa pangunguna ni Alyssa Valdez kundi ang lupigin ang Chinese-Taipei upang makapasok sa semifinals ng AVC Cup. (avcpix)
Mga laro ngayong Huwebes
(Candon City Arena)
9 am – Vietnam vs Iran
12 nn – Lebanon vs Kazakhstan
3 pm – Pilipinas vs Chinese Taipei
Nahaharap sa malaking pagsubok ang Alas Pilipinas women’s national team kontra sa unbeaten at mahigpit na karibal na Chinese-Taipei na kinakailangang talunin sa bisa ng sweep o fourth set upang magkaroon ng liwanag ang pag-entra sa semifinal round ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup ngayon sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Bukod sa asam na panalo ay sasandal din ang national squad na magpatuloy sa pangwawalis ng South Korea sa dalawang nalalabing laro kontra Australia at Chinese-Taipei upang makakuha ng kailangang puntos sa top-2 teams sa Pool A.
May 7 puntos ang Pilipinas mula sa 2-2 kartada, habang may kapwa 9 puntos ang South Korea at Chinese-Taipei, samantalang may 5 puntos ang Australia, na pare-parehong may nalalabing 2 laro sa preliminaries. “At this point, ibibigay din namin talaga ’yung lahat namin. Ang dami naming natutunan, pinag-aralan so buong puso naming haharapin ’yung laban sa Thursday,” wika ni Valdez, na team captain ng team na nagawang manaig kontra Uzbekistan at Kyrgyzstan, habang nabigo sa Australia at South Korea.





Comments