top of page
BIDA - RURU, UMAMING NAG-CHEAT KAY BIANCA-G _rurumadrid8.jpg

Alas girls niyanig ang Tunisia sa FIVB World C'ship

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | August 9, 2026



Matapos lumikha ng kasaysayan sa paglista ng unang panalo, hindi nakuntento ang Alas Pilipinas Girls sa muling paglista ng panibagong panalo kasunod ng tambalan nina Xyz Rayco at Resty Olaguir para isunod na biktima ang Tunisia sa 27-25, 25-19, 25-16 straight set, kahapon (oras sa Pilipinas) sa FIVB Volleyball Girls U17 World Championship sa Liceo Particular Mixto sa San Felipe, Chile. Binuhay nina Rayco at Olaguir ang nakagawiang koneksyon upang itulak ang Pilipinas sa 2-1 win-loss rekord.

Photo: Nagdiwang ang Alas Pilipinas Girls nang gibain ang Tunisia sa FIVA U17 World Championship na idinaraos sa Chile Linggo. (pocpix)



Matapos lumikha ng kasaysayan sa paglista ng unang panalo, hindi nakuntento ang Alas Pilipinas Girls sa muling paglista ng panibagong panalo kasunod ng tambalan nina Xyz Rayco at Resty Olaguir para isunod na biktima ang Tunisia sa 27-25, 25-19, 25-16 straight set, kahapon (oras sa Pilipinas) sa FIVB Volleyball Girls U17 World Championship sa Liceo Particular Mixto sa San Felipe, Chile. Binuhay nina Rayco at Olaguir ang nakagawiang koneksyon upang itulak ang Pilipinas sa 2-1 win-loss rekord.


Minsang nagsama ang dalawa sa World meet sa Asian Women’s U16 Championship sa Jordan noong nakaraang taon. Kasunod ng nalasap na pangwawalis ng defending champion China sa opening loss, kinakitaan ang World No. 25 na Alas ng matinding pag-aasam na talunin ang matataas na ranggo sa rankings nang talunin ang No.8 na Mexico at No.20 na Tunisia, upang matagpuan ang posisyon sa second spot sa Pool B, na may nalalabing dalawang laro, kung saan uusad ang top four sa Round of 16.


Bumida sa scoring si St. John’s Institute Falcons spiker Caera Celis para sa Alas Pilipinas sa ikatlong sunod sa 15 points mula sa 13 attacks at dalawang blocks, na sinundan ni Rayco, na isa sa mga mababangis na spikers sa Asian U16 sa Jordan, ng 13 puntos mula sa 12 atake at isang block, kabilang ang dalawa sa huling tatlong puntos ng Alas Pilipinas na sumelyo sa dikdikang first set.


Nag-ambag din si Sharina Rhyza Lleses ng 10 points, lahat mula sa atake, na nakatakdang magpahinga ng isang araw bago harapin naman ang world No. 6 Peru sa Lunes at No. 12 Venezuela sa Martes, sa koponang sinusuportahan ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, at Asics.


“It feels different when she sets ne the ball, it feels like I can really kill it. Of course, I’ll work hard to be able to play my best whoever I share the court with,” pahayag ng 16-anyos na si Rayco.


“I’m happy I got in and contributed. I think I’m slowly getting back to the way I really play. There are still a lot of things I need to work on. I hope this continues and that I don’t let my emotions get the better of me,” saad naman ni Olaguir.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page