Alas Girls mapapalaban na sa China sa FIVB U17 World Championship
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 6, 2026

Photo: Alas Pilipinas Girls
Hahambalusin ng World No. 25 Alas Pilipinas Girls ang kampanya sa FIVB Volleyball Girls U17 World Championship at nasa isip na hindi magiging madali ang pagsubok laban sa defending champion at World No.1 China.
Pinagtuunan ng pansin nina setter Irish May Mahinay at skipper Megan Yesha Hernandez ang mas mahabang panahon upang makaangkop sa klima, pag-aralan ang sistema ng koponan at bumuo ng samahan sa kanilang mga kakampi, ngunit sinabi nilang tinatanggap nila ang lahat ng hamon ngayon.
“We’re doing our best to execute our plays properly,” saad ni Mahinay, na aminadong ramdam pa ng mga kakampi ang paninigas ng katawan dulot ng mahabang biyahe at hindi karaniwang kondisyon kasunod ng malamig na panahon na umaabot ng 5 degrees sa madaling araw at 17 degrees Celsius sa tanghali.
Bagaman hindi pa nakukuha ang kabuuang porma ng koponan, na suportado ng Philippine Olympic Committee, PSC na handang sumandal kina Xyz Rayco, Sharina Rhyza Lleses, Madele Gale, Caera Celis, Resty Jane Olaguir at Jhenica Sadia ay determinadong makuha nang mabilis ang pangunahing layunin.
Haharapin din ng Alas Pilipinas girls ang Mexico (Biyernes oras sa Chile) at Tunisia sa Sabado, bago ito magpahinga sa Linggo, habang babalik sa Lunes laban sa Peru at Venezuela sa Miyerkules.





Tough matchup, but this is good experience for them. -scratch geometry dash