Las Women tumibay ang tsansa sa 9th place, Si-Pons dinurog Bangladesh sa Beach Volleyball sa Asian Games

by Gerard Arce @Sports News | September 20, 2026

Photo: Ang laban ng Alas Pilipinas women sa Qatar. (pocmedia)
Akumana ng impresibo at pinakamabilis na panalo ang Alas Pilipinas women’s national team laban sa Qatar women’s national team sa pamamagitan ng dominanteng 25-8, 25-2, 25-9 upang tumibay ang tsansa sa pag-target sa 9th place finish sa Lunes kontra Mongolia sa Okazaki Chuo Sogo Park Gymnasium, habang dinurog naman ng tambalang ‘Si-Pons” nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang Bangladesh sa 21-6, 21-6, sa Herkinan Ryokuchi Beach Court sa Nagoya, Japan.
Pinangunahan ni La Salle middle blocker Amie Provido ang atake ng Alas sa 19 puntos mula sa 11 kills, at tig-apat na aces at blocks kasama ang tatlong digs, habang tumapos din ng doble pigura sina Shaina Nitura at Bella Belen ng tig-10 puntos, gayundin ang pag-ambag ni Nina Ytang sa pito at Alyssa Solomon sa anim marka.
Walang tumapos ng doble pigura para sa Qatar na pinamunuan ni Sumaia Almadhoun sa apat puntos. Sa kabila ng seryosong pagharap sa kompetisyon, napagtanto nina Rondina at Pons na patuloy mag-enjoy sa laro na aminadong malaking dahilan upang maipakita ang kanilang pinakamahusay na kakayahan at kapasidad sa Asian Games.
“Pinakita namin kung anong yung naging training namin coming here early, at prinactice din namin yung mga additional plays namin, siguro nag-take advantage kami sa services namin at prinactice din namin,” wika ni Rondina sa isang sports channel, na pabirong sinabihan ang katambal na mag-enjoy sa laro.
“First few part ng games parang sobrang seryoso ako, tapos na-realize ko rin na bakit sobrang seryoso ko, kahit na Asian Games ito, hind imo dapat kalimutan na i-enjoy pa rin, kaya sabi ni Sisi sa akin na ‘uy mag-celebrate ka,” saad naman ni Pons, na masisilayan ang isa pang tambalan nina Khylem Progella at Sofia Pagara kontra Anal Fathimath at Areesha Aminath ng Maldives.
Samantala, nakatakdang simulan ni 2024 Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo kasama ang utol na si Karl Eldrew at sina Justine De Leon, Miguel Besana at Zachary Nunez sa men’s qualification match ng men’s Artistic Gymnastics sa Nagoya City General Gymnasium, habang babanat si Norlan Petecio sa men’s boxing 70kgs division kontra Sophors Vy ng Cambodia.
Simula rin ang kampanya nina Carlos Baylon Jr sa men’s 56kgs at Xander Alipio sa men’s 65kgs sanda wushu sa Aichi Prefectural Martial Arts Hall, habang kakarera ang Triathletes sa Mixed relay, at ang men’s Baseball team kontra Palestine sa Toyohashi Municipal Baseball Stadium.





Comments