top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg

Alan, kukuwelyuhan, kakaladkarin palabas ng session hall... Erwin, biglang kambiyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 8, 2026



Sen. Erwin Tulfo - Senate of the Philippines

Photo: Robin Padilla - FB



Humingi ng paumanhin si Senador Erwin Tulfo para sa kanyang marahas na nasabi at sa tensyon sa Senado na aniya’y naging dahilan ng pagkaantala ng ilang mga panukalang batas.


“Bilang pagkilala sa mataas na institusyong aking kinabibilangan, lubos akong humihingi ng paumanhin sa aking mga kasamahan sa aking mga naging marahas na pahayag ukol sa pagpapaaresto, pagkuwelyo, at pagbibitbit kay Senador Cayetano at sa ilang indibidwal palabas ng session or plenary hall,” wika ni Tulfo sa isang pahayag.


“Hindi po ito ang dapat na asal ng isang opisyal lalo na  ng isang senador,” ani Tulfo.

Ang mga salitang iyon, aniya, ay bagaman hindi nararapat sa harap ng publiko, dala umano ito ng bugso ng damdamin sa hangarin na huwag nang maantala pa ang trabaho para sa bayan.


“Humihingi rin ako ng kapatawaran sa ating mga kababayan. Dahil sa mga nagdaang hidwaan, natapos ang sesyon nang hindi umuusad ang mahahalagang batas. Nang dahil sa bangayan, naging paralisado ang ating mandato. Ang mga Pilipino ang tunay na talo dito,” patuloy ni Tulfo.


“Kaya nananawagan po ako sa aking mga kapwa senador: Tapusin na ang pagkakawatak-watak. Dahil sa labas ng Senado, ilan sa atin ay magbabarkada, magkumare o magkumpare naman. Kaya, trabaho na lang tayo,” dagdag pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page