top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Alamin: tips ng BDO para sa mas madaling pagbabangko

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2021
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 22, 2021




Hello, Bulgarians! Pinaaalalahanan ng BDO Unibank ang mga kliyenteng may paraan para maisagawa ang mga transaksiyon sa pagitan ng mga sangay nito (BDO to BDO) nang madali at walang labis na gastos.


Ito ay ang mga sumusunod:

  • Gamitin ang bagong BDO mobile wallet na BDO Pay kung saan maaaring magpadala o humiling ng pera (Send and Request Money), mag-Scan to Pay, magbayad ng bills at marami pang iba. Maaaring magbayad direkta mula sa BDO account ng kliyente — walang cash-in, walang abala.

  • I-enroll at gamitin ang BDO Digital Banking. Maaaring maglipat ng pondo sa anumang BDO account anumang oras, kahit saan. Ang mga kliyente ay maaari ring mag-enroll ng third-party na BDO account para sa regular na paglilipat ng pondo. Ito ay natatanggap sa nasabing account sa parehong oras.

  • Para sa cash withdrawal, magagamit ng mga kliyente ang higit sa 4,400 BDO ATM sa buong bansa. Ang pag-withdraw sa anumang BDO ATM gamit ang BDO card ay walang dagdag na bayad.

Ngunit kung pipiliin ng kliyente na magsagawa ng ilang over-the-counter na transaksiyon tulad ng deposito, pag-withdraw, encashment at paglipat ng pondo sa BDO branch na iba sa branch kung saan mayroon siyang account, may karampatang bayad sa nasabing inter-branch o inter-regional na transaksiyon, alinsunod sa pagpayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipinatutupad din ng ibang bangko.


Ang transaksiyon ay itinuturing na inter-branch deposit kung ito ay ginagawa sa loob ng parehong area code o kung saan lokal na singil sa pagtawag lamang ang umiiral. Sa kabilang banda, ang transaksiyon ay itinuturing na inter-regional deposit kung ginagawa ito sa labas ng area code o kung saan long distance na singil sa pagtawag na ang umiiral.


Inuulit ng BDO ang paalala ng BSP sa mga kliyente ng bangko na alamin at unawain ang mga bayarin at iba pang singil sa pagbabangko dahil ito ay mahalaga upang masulit ang paggamit ng kanilang mga account. “Kung hindi mo iintindihin ang mga bagay na ito, malamang na ang mga bayarin sa bangko at iba pang singilin ay nakababawas sa iyong kinikita,” saad ng BSP sa isang manifesto sa wikang Ingles.


Sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ng mga kliyente ang www.bdo.com.ph

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page