top of page
Search
  • BULGAR

Alamin: animal signs na suwerte base sa elementong naiimpluwensiyahan ng Metal

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | January 26, 2021



Ipagpatuloy natin ang pagbibigay ng kahulugan sa elementong Metal o Bakal na iiral ngayong 2021.


Pero bago tayo magpatuloy, suriin muna natin ang mahalagang katanungan ng ating mga tagasubabay, sinu-sinong animal sign nga ba ang susuwertehin ngayong 2021?


Tandaang dahil elementong Metal ang iiral sa buong taong ito ng 2021, marahil ay maitatanong mo, sinu-sino namang animal sign ang susuwertehin ngayong Year of the Metal Ox?


Sinasabing, “Metal is nourished by Earth and it is nourished by Water.” Ibig sabihin, pinagpapala ng Lupa, ang Metal habang pinagpapala naman ng Metal ang Tubig, kaya naman ang mga animal sign na naiimpluwensiyahan ng Earth at Water bukod sa Metal ay tiyak na susuwertehin ngayong Year of the Metal Ox.


Sa pag-aaral ng Chinese Astrology, may “table” na tinatawag at ito ang Table of Fixed Element ng bawat animal sign at ganito ang nakatala sa nasabing tabulasyon:


Element Animal Sign

Wood Tiger at Rabbit

Fire Snake at Horse

Earth Ox, Dragon, Goat at Dog

Metal Monkey at Rooster

Water Boar at Rat

Kaya ayon sa ating Table of Fixed Element, mapapansin na ang mga animal sign na naiimpluwensiyahan ng Earth o Lupa ay ang Ox, Dragon, Goat at Dog, habang ang naiimpluwensiyahan naman ng elementong Water o Tubig ay ang Pig at Rat.


Ibig sabihin, ngayong 2021 o Year of the Metal Ox, ang unang susuwertehin ay ang animal sign na Ox o silang mga isinilang noong 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009 at 2021.


Susuwertehin din ang Dragon o silang mga isinilang noong 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000 at 2024. Susuwertehin din ang Goat o silang mga isinilang noong 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015 at 2027. Susuwertehin din ang Dog o silang mga isinilang noong 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018 at 2030. Ito ay dahil ang nabanggit na mga animal signs ay naiimpluwensiyahan ng elementong Earth.


Samantala, susuwertehin din silang mga under ng elementong Water, kabilang ang Boar o Baboy o silang mga isinilang noong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031 at Rat o silang mga isinilang noong 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008 at 2020.


Habang ang Rooster o silang mga isinilang noong 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029 at Dog o Aso o silang mga isinilang noong 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018 at 2030, na nagtataglay ng likas na elementong metal ay makasusumpong din ng manaka-nakang suwerte at magagandang kapalaran sa taong ito ng 2021.


Itutuloy

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page