top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Alam ng mga Pinoy na korup ang pulitiko, pero ibinoboto pa rin, engot!

BULGAR
Oct 2, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 2, 2021


Oktubre na.


Buwan ito ng Holy Rosary!


◘◘◘


GAMOT ang pag-usal ng Santo Rosario kontra sa depresyon at pagkabagot.


Isang klase ng meditation ang walang patid na pagdarasal!


◘◘◘


TULAD ng meditation, habang nagdarasal, nakapagpahinga ang utak sapagkat nakapokus ang atensiyon ng isip sa iisang direksiyon lang - pagsamba.


Kapag nakapahinga ang utak, tulad sa naipahingang pisikal na katawan, lumalakas ang enerhiya nito, siyempre ay makakapagdesisyon ng tumpak ang tao!


◘◘◘


MAHALAGA ang papel ng Holy Rosary sa panahon ng pandemic pero ipinagwawalambahala ng tao.


Maraming testimonya ang nagpapatunay sa himala na ipinagkaloob ng Banal na Rosaryo!


◘◘◘


NAGSIMULA na ang pagsusumite ng COC.


Piyesta na naman sa Comelec!


◘◘◘


BINUKSAN na rin ang Dolomite beach sa Manila Bay,

Ang magandang tanawin at simoy ng hangin kasama ang Manila sunset view ay magpapakalma sa bugnot at depresyon.


Isang klase ng therapy 'yan na walang bayad!


◘◘◘


MAY pera raw sa basura.

Mali.

Bilyon piso ang kinikita sa basura.


Lahat ng siyudad ay overpriced ang kontrata sa paghakot ng basura!


◘◘◘


TULAD sa basura, may pera sa bangketa.


Milyon ang kinikita mula sa koleksiyon sa vendor sa bangketa!


◘◘◘


TRILYONES ang nakukurakot ng mga LGU executives mula sa kanilang nasasakupan.


Kakutsaba rito ang COA at mga government auditors!


◘◘◘


HINDI kailangan ang bagong batas sa taxation.


Kailangan ay batas sa pagpupugot ng ulo sa mga magnanakaw sa pamahalaan!


◘◘◘


MULAT ang ga botante na korup ang mga LGU executives pero ibinoto pa rin nila.


'Yan ay krisis na walang solusyon!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page