top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Alam ang lahat ng hirap na pinagdaanan ng co-athlete… HIDILYN, PROUD NA PROUD KAY YULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2024
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary| August 7, 2024


Showbiz News
Photo: Hidilyn Diaz / FB

May heartfelt message ang number one Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz pagkatapos manalo ni Carlos Yulo (Caloy) ng 2nd Olympic Gold. 


Si Diaz ang first Filipino na nakapag-uwi ng Olympic gold nu’ng 2020 na ginanap sa Tokyo, Japan. 


Sa kanyang post, ang 2020 Tokyo Olympics gold medalist ay proud kay Caloy, hindi lamang dahil nanalo ito ng gold pero dahil sa mga pagsubok na nalampasan nito.


Sinaluduhan niya sa Caloy dahil ginawa nito ang lahat nang makakaya para makapag-uwi ng dalawang Olympic gold medals para sa bansa. 


Aniya, “Congratulations ulit, Caloy. Ang galing!


“Ipinagmamalaki kita hindi lang sa mga medalya mo, kundi dahil sa hirap na pinagdaanan mo para makamit ang tagumpay , para sa sarili at higit pang lalo ay para sa bayan.


“Magkikita tayo d’yan Caloy at mahigpit na yakap mula sa Ate Haidie mo! God bless you!” 


Ayon kay Caloy, hindi naging madali ang journey na kanyang pinagdaanan sa Olympic. 


Hindi niya madaling na-achieve ang ginto na hinahangad ng mga participants ng buong mundo. 


Maraming obstacles siyang kinaharap kung saan dugo at pawis ang kanyang pinuhunan sa laro. Pero, hindi raw siya sumuko and that was one of the blessings that God gave him, underscoring the value of being thankful. 



Relate si Gerald Santos sa nangyaring pang-aabuso ng dalawa umanong GMA executives sa young actor na si Sandro Muhlach. 


Ibinulgar ng singer ang pangmomolestya na ginawa sa kanya ng dati niyang TV network.


Trending sa X (dating Twitter) si Gerald matapos magsalita tungkol sa naranasang pangmomolestya. 


Sinabihan naman siya ng mga netizens na mag-move on dahil matagal na raw namang nangyari. 


Binatikos ni Gerald ang mga mapanghusgang tao na nagiging dahilan ng takot ng mga biktima na magsalita. 


Hangad niya ring magkaroon ng mas mahigpit na patakaran ang network upang maprotektahan ang mga baguhang artista. 


“Move on? Hindi ganu’n kadali,” pakli ng singer/actor.


Ayon kay Gerald, ang ganitong mga pananaw ang dahilan kung bakit natatakot ang mga biktima na magsalita at isiwalat ang katotohanan. Dagdag pa niya, ganoon din ang sinabi sa kanya ng mga executives ng isang TV network nang ireklamo niya ang naranasang pangmomolestya mula sa isang empleyado. 


Dagdag pa niya, matapos siyang magreklamo sa pamunuan ay siya pa ang nawalan ng mga projects. Na-ban daw siya sa network na kanyang tinutukoy.


Matatandaang nakisimpatya si Gerald kay Sandro sa pamamagitan ng isang Facebook (FB) post. 


Samantala, wala pang tugon o pahayag ang pamunuan ng GMA Network patungkol sa mga alegasyon na ito. 



Lumipat na pala si Angeline Quinto ng recording studio. 


Post niya sa kanyang Instagram (IG), “I'm beyond thrilled to announce my very first project under my new record label, Universal Records Philippines! I just recorded an English version of the OST Take It All from the captivating 2024 K-drama series Begins ≠ Youth. 


“Working on this project has been an incredible experience and I can’t wait for you all to hear it! 


Panawagan pa ni Angge, “BTS fans and ARMY’s out there, please support my version of Take It All.”


Mensahe sa kanya ng mga fans:


“Welcome to the Universal Records family. Congratulations on your song release from South Korea.”


Nag-congratulate rin ang in demand compositor na si Jonathan Manalo ng Star Records at proud siya sa bagong milestone ni Angge. 


Nagulat ang isang netizen, Sey niya, “Ha? Wala ka na sa Star Records @loveangelinequint? Nakaka-sad naman.


“Kaya pala hindi na kita napapanood sa ASAP na kumakanta, nasa Universal ka na pala. Bakit?” ang nagtatakang tanong ng isang netizen. 


“You really sound like K-pop, congrats. Borahae Apobango greetings from BTS Agent Philippines.”








Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page