top of page

Alalay lang noon… GERALD, MAS SIKAT PA NGAYON KINA JOROSS AT RAYVER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 16, 2025



Photo: Gerald Anderson sa ASAP - IG


Uy, marami ang naaliw nang muling mapanood si Gerald Anderson na gumigiling at humahataw sa dance floor sa ASAP last Sunday.


Sa ganda ng katawan at tikas niya ngayon, nabigyan ng ibang flavor at maturity kumbaga ang pagsasayaw ni Gerald.


Iba na ang galawan dahil very sexy, manly, confident at may awrang mayaman at class. Hahaha!


Marami tuloy ang biglang nakaalala nu’ng siya’y struggling showbiz wannabe pa lang at insecure maging artista.


Si Joross Gamboa nga ang naka-discover sa kanya sa GenSan, kung saan naging back-up dancer niya si Gerald nu’ng magkaroon minsan ito ng show sa lugar ng aktor.


Naging back-up dancer din si Ge kasama si EA Guzman kay Rayver Cruz na nag-engganyo din ditong pasukin ang showbiz.


Ang dami-daming kuwento kaugnay ng pagiging dancer ni Gerald na ngayon nga’y hindi hamak na mas sikat at kilala bilang mayaman kumpara sa mga artistang naging ‘alalay’ lang siya sa pagsasayaw.


Hay, that's life…


Hindi sa pagka-senador… HIRIT NG NETIZENS: PHILLIP, MANANALO KUNG PARTYLIST NG MGA ‘DI NAGSUSUSTENTONG AMA ANG TATAKBUHIN KASAMA SINA PAOLO AT BUBOY


HOLY Week na pero ayaw pa ring paawat ng mga netizens sa pagbibigay ng kanilang mga opinyon sa mga bagay-bagay sa showbiz.


Kagaya na lang ng pagsang-ayon nila kay 1969 Miss Universe Gloria Diaz tungkol kay Phillip Salvador nang sagutin ni Ms. Glo ang isang viral video kung saan sumisigaw ng “Bring him home” statement ang aktor. 


May kinalaman nga sa pagkakakulong sa The Hague ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin.


Very simple and short na sinabi ng Ms. U, “‘Yung anak mo, padalhan mo ng pera,” na sobrang ikinagiliw ng mga netizens.


Isa ngang very legit issue since day one na nagkaroon ng anak si Kuya Ipe kay Kris

Aquino na usaping ‘sustento’ na ang laging ibinabato sa kanya. 


Kilala siya ng sambayanan bilang isang ‘pabayang ama’ at never na naging tatay kailanman sa anak nila ni Kris.


Boldyak na boldyak talaga si Kuya Ipe na tumatakbo pa namang senador. 

Napakalkal tuloy kami kung nagkaroon ba ng pagkakataon na magkasama sila sa pelikula o TV sa tagal na nilang pareho sa showbiz industry.


Meron kaming nakita na 1982 Cannes entry na Five and Skin foreign movie title, kung saan may mga kapwa local actors silang kasama gaya nina Direk Joel Lamangan, Bembol Roco, Bing Pimentel, Chat Silayan, Stella Ruiz, Bessie Badilla at Louie Pascua.


Direktor nito si Pierre Rissient at writer naman sina Alain Archambault, Eugene Guillevic at Lucie Albertini, plus mga foreign artists.


Kung meron pa sigurong ibang projects silang nagkasama ay baka as co-worker lang at hindi talaga bilang magka-tandem o ‘yung mga bida.


Pero ang pinakanakakalokang bahagi ng palitan ng ‘eklay at okray’ ng mga netizens ay ‘yung pag-suggest nila na posibleng magkaroon ng puwang sa pulitika si Kuya Ipe kung masasamahan daw siya nina Buboy Villar at Paolo Contis.


Kilala rin umano sa showbiz sina Buboy at Paolo na gaya ni Kuya Ipe ay hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak nila.


“Puwede silang maging lider ng itatayo nilang partylist,” kantiyaw pa ng netizen. 

Hahahaha! Nakakaloka!!!




MULA naman sa pagiging “Independent Tis-Ice Princess ng San Juan”, change role na agad si Ashley Ortega dahil sasabak na siya sa action bilang Agent Tony sa Lolong: Pangil ng Maynila.


Sa unang engkuwentro ng karakter ni Ashley kay Lolong (Ruru Madrid), pinakitaan na agad siya ni Lolong ng kabayanihan at kabutihan. 


Gayunpaman, curious pa rin ang madla kung siya ba ay magiging kaaway o kakampi sa buhay ng bida, gayung maraming plot twists pa ang puwedeng mangyari sa serye.


Sey ni Ashley, natutuwa siya sa pagkakataong mapabilang sa Lolong dahil pinangarap din niyang magkaroon ng action projects. 


Aniya, “Napasabak po ako sa action, so may mga barilan, fight scenes. Sana, matanggap ako ng tao na nagpa-fight scenes. Pero, I’m so happy dahil gusto ko rin po talagang gumawa ng action.”


Ipinarating din niya ang kanyang excitement na muling makatrabaho si Ruru. 


Aniya, “I’m happy that I got to work with him again. Si Ruru ang isa sa mga artistang nakasama ko nu’ng kaka-start ko lang sa showbiz, so it’s nice to work with him as adults na.”

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa Lolong: Pangil ng Maynila, weeknights pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.



Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page