top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Alak, bawal sa Shibuya, Tokyo sa Halloween

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2023
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 29, 2023




Ipinagbawal ang alak sa tanyag na lugar ng Shibuya, Tokyo upang maiwasan ang pagtitipon ng mga tao at makaiwas sa mga aksidente ngayong Halloween.


Ito ay matapos ang trahedyang nangyari sa Itaewon, South Korea na kumitil sa buhay ng mahigit 100 katao nu'ng nakaraang taon.


Ayon sa mayor ng distrito na si Ken Hasebe, natatakot silang magaya sa nangyari sa Itaewon nu'ng nakaraang Oktubre.


Agad namang nagpatupad ng mahigpit na patakaran sa Tokyo para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan at turista.


May ibang residente na suportado ang naging desisyon at may iba na bumatikos dito.


Taun-taon, dinadagsa ng libong tao ang mga makulay na daan ng Shibuya, marami ay nakabihis, naka-costume para gunitain ang Halloween at magsaya.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page