top of page
Toni Talks - Bongbong Marcos Interview.jpg

Alagang PhilHealth: Gamot na abot ₱20K, sagot ng PhilHealth!

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

by Info @Brand Zone | November 20, 2026





1. Ano-anong mga GAMOT ang libre sa  programang ito? 

Binubuo ito ng 75 na essential na mga gamot  para sa karaniwang kondisyon tulad ng diabetes,  altapresyon / high blood, mataas na kolesterol,  impeksyon, hika,at iba pa.  


Mayroon 21 na gamot na direktang makukuha sa  mga YAKAP Clinic at hindi binabawas sa 20K. Ang 54 na gamot naman na makukuha sa  mga GAMOT Pharmacies o GAMOT facilities ay  ang siyang ibawas sa 20K. Ito ay hindi cash na  makukuha ng benepisyaryo kundi ito ay parang  “credit limit” kada benepisyaryo sa loob ng isang  buong taon. 


2. Sino-sino ang pwedeng maka-avail ng  PhilHealth GAMOT? 

Lahat ng Pilipino – ang miyembro pati na ang  kanilang kwalipikadong dependents ay maka ka-avail nito. Gayundin ang mga foreigner na may  sapat na PhilHealth contribution ay maaaring  makagamit ng benepisyong ito.  


3. Ang aking dating reseta o nakuha sa  aking ibang check-up ay pwedeng  magamit sa pagkuha ng GAMOT? Hindi. Ang reseta ay makukuha lamang sa iyong  napiling YAKAP Clinic. Ang pagkuha ng gamot ay  naaayon lamang sa rekomendasyon ng YAKAP  doctor sa iyong YAKAP Clinic. Kung kinakailangan  ng pasyente, bibigyan siya ng Unique Prescription  Security Code (UPSC) gamit ang GAMOT App.  Doon pa lamang pwedeng pumunta sa GAMOT  provider.  


Kung may lumang prescription, ipakita ito sa  iyong YAKAP doctor upang ma-assess kung ito ay  tugma pa rin sa iyong pangangailangan. 


4. Ano ang kailangan dalhin sa GAMOT  provider upang makuha ang mga gamot? Ang member ay kailangang magdala ng valid  government ID kasama ang GAMOT prescription  slip na may Unique Prescription Security Code  (UPSC) na galing sa YAKAP Clinic. 


5. Gaano karaming gamot ang maaaring  makuha kada reseta? 

• Sa bawat konsultasyon, maaaring magreseta  ang doktor ng hanggang tatlong (3) buwang  medikasyon para sa maintenance. 


• Alinsunod sa reseta ng maintenance at iba  pang klase ng medikasyon, maaaring makuha  ang gamot para sa hindi hihigit sa isang  


buwang gamutan, habang ang antibiotics  ay ibinibigay nang buo ayon sa nakasaad sa  reseta.  


Kung hindi pa naibibigay ang kabuuang dami  ng gamot, itago o tandaan ang UPSC ng iyong  GAMOT Prescription upang makuha ito sa mga  susunod na transaksyon.  


6. Paano kung nawala ang GAMOT  Prescription na naglalaman ng UPSC?  Maaaring ma-access ng GAMOT Facility ang iyong  GAMOT Prescription sa pamamagitan ng Unique  Prescription Security Code (UPSC). Maaaring  kuhanan ng litrato ang parteng ito ng GAMOT  Prescription upang magamit sa bawat transaksyon  na kinakailangan. 


Kung hindi ito natatandaan at nakuhanan ng  litrato, makipag-ugnayan sa iyong YAKAP Pro vider para makuha ang UPSC ng iyong GAMOT  Prescription.  


7. Paano kung ang GAMOT Facility ko ay  sarado o temporarily deactivated? Ang pag-avail ng GAMOT ay pwede sa alinmang  accredited GAMOT Facility. Kung ang iyong unang  pinagbilhan ay nagsara, maaaring pumunta sa iba  pang kalapit na botika basta accredited GAMOT  Facility.

PAALALA 

Tumawag sa aming 24/7 PhilHealth  hotline, 8662-2588. para sa ibang katanungan. 

Kung gusto ninyo kami ang tumawag sa  inyo, I-text ang PHICallback <space> Mobile no. na tatawagan <space>  detalye ng concern sa 0998-8572957, 0968-8654670,  0917-1275987, at 0917-1109812. Pwede ring tumawag mula sa aming website. Mag-log-in sa  


PhilHealth para sa mga employers


The public is reminded to only transact through official PhilHealth channels:

·         Local Health Insurance Offices (LHIOs)

·         PhilHealth Member Portal (https://memberinquiry.philhealth.gov.ph/member/)

·         eGovPH Application (e.gov.ph)


To report suspicious messages, contact the PhilHealth Action Center through any of the following official channels:

·         Email: actioncenter@philhealth.gov.ph

·         Facebook: @PhilHealthOfficial

·         Landline: (02) 8662-2588

·         Smart Hotlines: 0998-857-2957 | 0968-865-4670

·         Globe Hotlines: 0917-127-5987 | 0917-110-9812



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page