top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Alagang PhilHealth: Check-up at eyeglasses ng mga bata? Covered ng PhilHealth ‘yan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

by Info @Brand Zone | August 28, 2026



Alagang PhilHealth: Check-up at eyeglasses ng mga bata? Covered ng PhilHealth ‘yan!

1.May PhilHealth benefits ba  para sa pagpapasuri ng mata  ng mga bata?  

Oo, sa PhilHealth Optometry Benefit  Package, sagot ng PhilHealth ang  hanggang Php 2,500.00 para sa eye  check-up at pagpapasukat ng salamin  ng mga batang 0-15 taong gulang.  


2.Ano ang coverage ng PhilHealth  Optometry Benefit Package? 

• Basic eyeglasses  

• Kompletong pagsusuri sa linaw  ng paningin (vision assessment at  refraction).  

• Pagbibigay ng nararapat na reseta  at mismong salamin sa mata (prescription eyeglasses). 

• Konsultasyon at follow-up check up para sa pagpapasukat at pangangalaga sa mata.  


3.Gaano kadalas dapat ipasuri  ang mata ng bata gamit ang  benepisyong ito? 

Ang benepisyo ay maaaring ma avail nang isang beses bawat taon  ng mga kwalipikadong batang may  edad na 0 hanggang 15 taong gulang  na kinakailangang sumailalim sa  vision screening sa isang PhilHealth accredited optometric clinic. 


4.Paano ito maa-avail? 

• Dalhin ang bata sa pinakamalapit na PhilHealth YAKAP Clinic para  sa paunang pagsusuri ng mata sa  kanilang First Patient Encounter (FPE) o konsultasyon.  

• Kapag nakitang malabo o may  problema ang paningin ng bata,  bibigyan kayo ng Referral Form  (Annex C) patungo sa isang accredited na Optometric Clinic.  

• Isasagawa ng accredited na Optometrist Ophthalmologist ang kompletong eye check-up at ipagkakaloob ang libreng salamin sa mata ng bata.  


5.Saan makikita ang listahan ng Accredited Optometry Benefit Package Providers? https://www.philhealth.gov.ph/ partners/providers/facilities/accredited/ 

OPTO_073126.pdf o scan ang QR Code


MAHALAGANG PAALALA: Mula sa iyong premium contribution,  may katumbas na alagang pangkalusugan! 


PhilHealth  

Communication Channels 

Para sa tamang gabay sa paggamit ng inyong benepisyo,  makipag-ugnayan at tumawag sa: 

(02) 8662-2588 

0998-8572957 | 0968-8654670 

0917-1275987 | 0917-1109812 


www.philhealth.gov.ph actioncenter@philhealth.gov.ph PhilHealthOfficial teamphilHealth team_philhealth 



Para sa dagdag kaalaman  sa PhilHealth benefits,  huwag palampasin  ang susunod na Alagang PhilHealth! 


PAALALA 

Tumawag sa aming 24/7 PhilHealth hotline, 8662-2588.  para sa ibang katanungan. 


Kung gusto ninyo kami ang  tumawag sa inyo, I-text ang  PHICallback <space> 

Mobile no. na tatawagan <space>  detalye ng concern sa  

0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. 


Pwede ring tumawag mula sa  aming website. Mag-log-in sa www.philhealth.gov.phat pindutin ang 'CLICK TO CALL'



Sawa ka na ba maghintay? Sa click to call may makakausap ka agad!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page