top of page

Ala-Heart daw… GABBI: MAARTE AKO PERO ‘DI AKO NAG-IINARTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2025
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 1, 20255



Photo: Gabbi Garcia - IG


Classy at smart ang personalidad ng Sparkle artist na si Gabbi Garcia, kaya ang akala ng marami ay suplada ito at maarte. 


Para raw siyang si Heart Evangelista na mahirap lapitan ng mga fans.

Ganunpaman, nang mag-guest si Gabbi sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin niya na totoong maarte siya sa maraming bagay. Nasanay kasi siya na well-provided ng kanyang parents ang lahat ng kanyang magustuhan.


Flight attendant ang kanyang mommy kaya kayang ibigay ang mga material things na gusto niya. 


Pero paglilinaw ni Gabbi, maarte man siya, hindi naman siya nag-iinarte lalo na kapag nasa set ng taping. Seryoso siya sa kanyang ginagawa at napupuri ng kanyang direktor at mga co-stars si Gabbi.


Kahit anak-mayaman ay mabait, humble at marunong makisama sa lahat ang aktres. 

Bukod sa acting ay hinahasa rin ngayon si Gabbi Garcia sa pagho-host ng mga shows.



NAKIKITA sa aura ngayon ni Jennylyn Mercado na masaya siya sa kanyang married life sa piling ni Dennis Trillo. Naresolba na nila ang kanilang mga differences at tanggap nila ang kahinaan at pagkukulang ng isa’t isa.


Sa unang chapter ng kanilang love story ay inamin ni Jen na madalas silang mag-away noon ni Dennis kaya sila naghiwalay at nakalaya sa kanilang commitment.


Pero sa ilang taon na sila ay nagkahiwalay, doon na-realize ni Dennis na si Jennylyn ang kanyang one true love. Kaya muli niya itong sinuyo at binalikan, kasabay ng pagma-mature at ang positibong pananaw sa kanilang relasyon.


Maraming fans ang natuwa nang magpakasal sina Jen at Dennis. Sila ang talagang itinakda para sa isa’t isa. 


At tamang-tama ang kanilang pagsasama sa action-seryeng Sanggang Dikit FR (SDFR) dahil bukod sa action scenes ay may comedy pa.

Puwede rin pala sa bakbakan si Jennylyn Mercado kahit na kilala siyang dramatic actress.


Samantala, maraming netizens ang nagtatanong, nagselos o nag-away ba sila ni Dennis dahil sa third party? May naging kahati ba siya sa pag-ibig ng mister?


Well, say ni Jen, hindi naging issue sa kanila ni Dennis ang third party. Pinatunayan ng aktor na wala siyang ibang minahal nang binalikan niya si Jennylyn upang pakasalan. Naging mabuti siyang mister.



SA katatapos na Guillermo Mendoza Memorial Box Office Awards, itinanghal na Best Actress in Daytime Drama ang Kapuso actress na si Jillian Ward. 

Ginampanan niya ang role ni Dra. Analyn Tayag sa seryeng Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP)


Dalawang taon din itong pinanood ng mga viewers at consistent na mataas ang ratings.


Maganda at markado rin ang role ni Jillian nang pumatok siya sa seryeng Mga Batang Riles (MBR). At ngayong nagtapos na sa ere ang serye, inaabangan ng mga fans ni Jillian ang susunod niyang project sa GMA-7. Sana raw, ang maging follow-up project ni Jillian ay challenging tulad ng AKNP.


Well, willing naman si Jillian na subukan ang iba’t ibang klase ng role. Gusto niyang patunayan na karapat-dapat siya sa acting award na ibinigay sa kanya ng Guillermo Mendoza Memorial Awards.


Sa edad niyang 20, handa na si Jillian Ward sa mas mature at seryosong role, kahit na ang tingin sa kanya ng lahat ay bagets pa rin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page