- BULGAR
Ala-Britney Spears daw… REGINE, BUKING NA LIP SYNC LANG DAHIL KUMANTA NANG LIVE, BALIGTAD ANG MIC
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 5, 2022

Ibang klase rin naman ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Aba, kumakanta siya na live raw pero baligtad ang gamit na microphone!
Mabuti naman daw at agad itong napansin ng misis ni Ogie Alcasid.
May nagsasabing sinadya umano 'yun ng singer dahil lip sync naman ang pagkanta niya.
"Lip sync pa more! 'Yan ang Asia’s Songbird, ha? Kahiya ka!" ani ng netizen.
May fan na sumagot, "That was a LIVE performance, baligtad lang 'yung mic, wala namang sinabing nag-lip sync siya."
"Nanood ka ba bago siya kumanta? Napansin niya na nakabaligtad. Hehe! Marites ka talaga. Hahahaha! Live 'yun."
Sey naman ng isang commenter, kapareho lang daw ni Regine si Britney Spears.
"Bwahahaha! Naalala ko, binash ni Ogie Alcasid si Britney Spears before dahil nag-lip sync siya. O, loko, pareho lang sila ni Regine."
"That's not a lip sync, LIVE performance 'yan, baligtad lang 'yung mic, i-compare mo naman kay Britney na full show, lip sync talaga, mas nakakahiya 'yun."
Sabi nga ni Regine sa kanyang socmed account, "Wala namang nakapansin, 'di ba? #ehyungbaliktadmicko 'wag kayo maingay ha... hayyy."

Anyway, lip sync man o hindi at baligtad man ang mic, keri pa ring kumanta ng singer.
'Yun nga lang, sana paminsan-minsan ay iwasan na niya ang sobrang high notes, kasi minsan, naa-out of tune na rin ang lolah n'yo.