top of page

Aktres, todo-holding hands kay Jameson… MOVIE NI BARBIE, IPINABOBOYKOT NG FANS NILA NI DAVID

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 6, 2025



Image: Barbie Forteza sa P77 - IG



Ang BarDa fans naman ang pinakilig ni Barbie Forteza at nangyari ito sa 75th anniversary GMA Network Station ID. 


Nawala bigla ang tampo kay Barbie ng ibang mga fans nang maglabasan ang videos at photos nila ni Jameson Blake na magka-holding hands habang naglalakad palabas ng hotel kung saan ginanap ang GMA Gala 2025.


Sa sobrang galit ng ibang BarDa fans, ayaw na raw nila sa love team nina Barbie at David at may nanawagan pang i-boycott ang horror film ng aktres na P77. May mga nawalan din ng gana na panoorin na ang Beauty Empire (BE) kung saan magge-guest si David.


May BarDa fans naman na nagsabing quits lang sina Barbie at David dahil kung may Jameson si Barbie, may girlfriend naman daw sa Australia si David. Ang kaibahan lang, nakikita in public na magkasama sina Barbie at Jameson at nagho-holding hands. Si David daw, wala pang photos na lumalabas kasama ang diumano’y GF nito. Saka nakakasama lang daw niya ang GF kapag pumupunta siya sa Australia kung saan based at nag-aaral ito.


Pero, nang makitang magkasama, magkatabi at nagtatawanan sina Barbie at David sa Station ID ng GMA, nawala ang tampo at galit kay Barbie ng ibang fans nila ni David. 

Kaya sinasabi naming ang iba lang ang nawala ang galit dahil meron pa ring mga galit. Sigurado raw na magho-holding hands uli sina Barbie at Jameson kapag nagkasama sa mga events o kaya’y sa marathon. ‘Wag daw munang magsaya ang BarDa fans.


Tungkol pala sa banta ng mga fans na hindi nila susuportahan ang P77, ang daming nanonood sa movie at may cinemas na sold-out ang tickets. Marami ring pa-block screening ang mga solo fans ni Barbie Forteza at product na kanyang ine-endorse. 

Nagpa-block screening na nga si Kyline Alcantara to support her friend’s movie.


War dahil kay Will, bati na?

JILLIAN AT SOFIA, MAGKATABI SA GMA STATION ID


TANONG ng mga fans kung bati na sina Jillian Ward at Sofia Pablo dahil magkatabi sila sa 75th anniversary GMA Network Station ID. Hindi lang sila magkatabi, pareho pang nakangiti at siguro naman, nag-usap ang dalawa dahil alangan namang nakatayo sila na hindi man lang nagbatian.


Alam na may conflict ang dalawang batang aktres at halata ito sa mga sagot nila tuwing naiinterbyu. May igting ang kani-kanyang sagot kapag natatanong sa kanilang conflict. May diin ang pagkakasabi nilang ayaw nilang pag-usapan ang tungkol doon at hindi nila alam kung bakit pinalalaki pa.


Dahil ayaw ngang pag-usapan ang rason kung bakit sila nagka-conflict, hindi tuloy alam kung bakit hindi sila friends gayung nagkasama sila nang matagal sa isang afternoon series ng GMA.


May tsikang si Will Ashley ang dahilan ng conflict nina Jillian at Sofia, bagay na itinanggi ng young actor nang siya ay ma-interview. Saka, ang bata pa ng dalawa para magkaroon ng isyu sa lalaki.


Siguro naman, pagkatapos ng event noong isang araw, bati na ang dalawa at sa birthday ni Sofia, invited na si Jillian and vice-versa. Kapag hindi nangyari ‘yun, ibig sabihin, hindi pa rin sila nagkaayos.



SO, nagkita at nag-usap sina Jak Roberto at Jameson Blake sa GMA Gala 2025. May nakakuha ng photo ng dalawa na nag-uusap at pareho pang nakangiti. Dahil nag-usap ang dalawa, naniniwala ang mga fans na walang relasyon at friends lang sina Jameson at Barbie Forteza.


Hindi raw mag-uusap ang ex at present o future ni Barbie kung may relasyon na sila ni Jameson. Naniniwala silang promo lang ang sweetness, closeness at palaging pagho-holding hands nina Barbie at Jameson to promote Kontrabida Academy (KA), ang Netflix film nila to stream this August.


Unless, friends na sina Jameson at Jak at baka mas nauna pa silang naging magkaibigan bago naging friends sina Barbie at Jameson. 


Wala raw masama kung nangumusta sa isa’t isa sina Jak at Jameson. Ibig sabihin nito, si David ang walang interaction kina Jak at Jameson sa nasabing GMA Gala.


In fairness kay Barbie, hindi na lang ang pagiging mahusay niyang artista ang pinag-uusapan ngayon, isyu na rin at pinag-aawayan ng mga fans ang kanyang love life. Hindi ito ine-expect ng aktres na naloloka siguro. Ang biruan nga, ang haba ng kanyang hair para maging isyu ang kanyang love life.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page