top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aktres, tinawag na most beautiful… SIGAW NG NETIZENS: KOBE, NAGAYUMA NI KYLINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 26, 2024
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | August 26, 2024


Showbiz News
Photo: Rhianneyks / TikTok

Inakusahan ng mga fans ni Kyline Alcantara na ang mga naiinggit lang sa aktres ang nag-react nang negative sa comment ni Kobe Paras na “The most beautiful” sa photo post ng Kapuso actress.


Nag-post kasi si Kyline na ang highlight ay ang suot na necklace mula sa Tiffany & Co. at nag-react nga si Kobe. Mababasa ang mga comments na:


“Kobe, you can do better. Nakaka-disappoint ka.” 


“Naengkanto yata si Kobe.” 


“Nagayuma siguro si Kobe.” 


“Palabiro yata si Kobe”  at “Abot kaya ng two years ang lambingan?”


Kaya ang sigaw ng mga fans ni Kyline, inggit at bitter lang ang mga bashers at haters ng aktres. Sorry daw ang mga ito at si Kyline ang napusuan ni Kobe at hindi sila na mga feeling magaganda at the best.


Actually, nakakatuwa ang palitan ng comments ng mga fans at non-fans ni Kyline. 'Kaaliw basahin na kung mababasa ng Kapuso actress, hindi siya mao-offend, kundi matatawa na lang. 


Malalaman din niyang marami ang ayaw sa kanya na maging girlfriend ni Kobe. 


In fairness, marami rin ang defenders ni Kyline at marami ang shippers ng Kobe-Kyline love team. 


Marami silang kinikilig at humihingi ng maraming ayuda na photos, videos at reels. Siguro naman daw, hindi masisira ang career ni Kyline na may bago siyang boyfriend. 


Sabagay, tuluy-tuloy naman ang trabaho niya at malapit na nga ang airing ng SI.



Sweet na sweet sa HK… KATE, SI FUMIYA ANG IPINALIT KAY YASSER


Showbiz News
Photo: Fumiya / IG

HIndi lang pala si Kyline Alcantara ang may bagong pag-ibig, pati ang co-star niya sa Shining Inheritance (SI) na si Kate Valdez, pumapag-ibig din. 


Pagkatapos ng breakup nila ni Yasser Marta, mukhang in love na uli si Kate at ang diumano’y muling nagpatibok sa kanyang puso ay ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Fumiya Sankai.


Magkasama ang dalawa sa Hong Kong at doon nag-celebrate si Kate ng kanyang birthday noong August 21. 


Pumasyal sila sa Hong Kong Disneyland at may mga larawan ng kanilang sweetness. Pati nga caption, sweet pa rin.


Sabi ni Kate, “Thank you for making my birthday so magical and for making the kid in me feel so happy @fumi.japan. Also thank you for your wishes and birthday greetings.”


Short lang ang caption ni Fumiya sa photo post niya sa kanila ni Kate. 


Aniya, “My first trip to Hong Kong was a lot of fun. Happy birthday @valdezkate_.” 


Sumagot si Kate ng “Arigato fufu” na sinagot ni Fumi ng “Douitashimasshite.”


Sa short convo na ‘yun nina Kate at Fumiya sa Instagram (IG) ni Fumiya, marami na ang kinilig. Nauna nga ang kilig bago ang mga tanong na “Sila na ba?” at bagay daw ang dalawa. 


Naalala namin, ganu’n din ang sinabi ng mga fans kina Kate at Yasser dati, bagay sila, hindi nga lang nagtagal ang kanilang relasyon.


Marami ang curious malaman kung paano nagkakilala sina Kate at Fumi dahil magkaiba sila ng network. Kaya pala inspired magtrabaho si Kate dahil may inspirasyon.


Anyway, sa September 9, 2024 na ang premiere ng Shining Inheritance sa GMA-7. Ang daming paiiyakin ng drama series na ito na adapted from a K-drama.



Todo-lambingan hanggang elevator… PIA AT JEREMY, BUHAY-MAGSYOTA, WALA PA RING ANAK


Showbiz News
Photo: Pia Wurtzbach / IG

Ang cute nina Pia Wurtzbach at asawang si Jeremy Jauncey, nag-picnic sa Swiss mountains sa 40th birthday ng businessman. 


Ang ganda ng lugar na sabi ni Jeremy, “A perfect day turning 40 with those I love in the middle of the Swiss mountains.


“We packed a picnic, hiked to a beautiful lake and spent the afternoon laughing and telling stories- at my expense. It’s funny how much my mom, @piawurtzbach & @tomjauncey enjoy that.”


Pero, ang sobrang kinakiligan ng mga fans ni Pia ay ang elevator photos nilang mag-asawa. Nanggigigil daw ang mister ni Pia sa kanya at hindi na nakatiis at niyakap at hinalikan na si Pia. 


Mabuti at wala silang kasama sa elevator dahil kung may kasama sila, ‘yun pa ang mahihiya.


Pero, good vibes ang dala ng photos na ‘yun at marami ang naiinggit kay Pia Wurtzbach sa pagkakaroon ng asawa na gaya ni Jeremy Jauncey. 


Anak na lang daw ang kulang sa kanila para kumpleto na ang kanilang saya.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page