Aktres, survivor na… KAYE SA MGA MAY CANCER: ‘WAG MAWALAN NG PAG-ASA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | June 6, 2026

Photo: FB Kaye Abad
Matapos mapagtagumpayan ang laban sa cancer, nagbahagi ang aktres na si Kaye Abad ng mensahe ng pag-asa at inspirasyon para sa mga kapwa survivors bilang paggunita sa National Cancer Survivors Month.
Saad ni Kaye, “It’s cancer survivors month. We celebrate every survivor, every scar, every silent battle, every tear, every prayer, and every victory. What we went through was never easy, but here we are... still fighting, still standing, still choosing hope.
“To everyone who continues this journey, know that your strength inspires more people than you realize.
“And through it all, let’s always remember that God is there holding our hands during the hardest days, giving us strength when we feel weak. Never lose faith!
“Here’s to life, healing, courage, and second chances. Let’s continue to fight together. We are strong. We are survivors.”
Matatandaang si Kaye Abad ay na-diagnose ng breast cancer noong January 2025 at sumailalim sa pagpapagamot sa Cebu at Singapore.
Sa kanyang YouTube (YT) vlog na inilabas noong Mayo 2026, masayang ibinahagi ng aktres na siya ay cancer-free na.
DAHIL sa 16 na taong pagsasama nila sa Kapuso sitcom na Pepito Manaloto (PM), itinuturing na ng aktor na si Jake Vargas na pangalawang ina ang aktres na si Manilyn Reynes.
Ito ang inamin ni Jake sa panayam niya sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “‘Pag may pinagdaraanan kang personal, paano naman umalalay si Manilyn?”
Saad ni Jake, “Minsan po kasi, nag-o-open ako sa kanya about sa buhay-buhay ko. ‘‘Nay, paano ba ‘to? Paano ko ba sisimulan ‘yung ganito?’
“Like, ‘di ka basta-basta umooo, kasi ako po ‘yung taong laging oo nang oo kahit ‘di ko naman gusto ‘yung ginagawa. ‘Di po ako marunong humindi. Parang ganu’n, Tito Boy.”
Tanong ni Boy kay Manilyn, “Ano’ng advice ang ibinibigay mo sa mga pagkakataong ganu’n?”
Saad ni Manilyn, “Sabi ko sa kanya, ‘You can say no, na ‘di ka feeling guilty.’ You know that? Kasi kung ayaw mo gawin, then don’t.
“Ano ba’ng importante sa ‘yo? ‘Yung sumaya sila o ikaw? S’yempre, kailangan mo ring sumaya.
“Before ka naman maka-extend ng happiness at ng love sa ibang tao, you have to love yourself first too.”
Pak na pak ka riyan, Manilyn. As in tumpak. Ganern!
INAMIN ng actress-dancer na si Sugar Mercado na suportado ng Sexbomb Girls ang kanyang naging journey sa Stars On The Floor (SOTF) nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Tanong ni Boy Abunda, “Sexbomb is going around the world, and maraming shows dito sa Pilipinas. Did you miss a lot of shows?”
Sey ni Sugar, “Ako po, na-miss ko ‘yung mga kapatid ko, s’yempre, sina Ate Rochelle. Pero ‘di po talaga ako makakasama kasi may Grand Finals kami sa Stars On The Floor kaya ‘di po ako nakasama sa kanila. Alam naman po nila ‘yun from the start. Nagpaalam po talaga ako.
“At sobra ang suporta sa akin ng mga ate ko. Sinabi nila sa akin, ‘Kaya mo ‘yan, bunso.’ Alam nila na magpo-focus talaga ako rito.
“Kasi s’yempre, Tito Boy, iba rin po ‘yung journey ko sa Stars On The Floor, at iba rin ‘yung makasama ko sila. Marami pa kaming pagsasamahan at may mga endorsements kami soon. Lord, thank you talaga.”
Good job, Sugar! May mga endorsement deals ka na rin with the Sexbomb Girls.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments