top of page
Search
  • BULGAR

Aktres, sinisi nang i-ghosting, binalaan na raw, 'di pa nakinig… JOHN LLOYD, NEVER NAGING BOTO KAY

GERALD PARA KAY BEA


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 10, 2021




Usap-usapan na naman ngayon ang mga binitiwang pahayag ni Bea Alonzo laban sa ex-BF na si Gerald Anderson sa eksklusibong panayam sa kanya ni G3 San Diego para sa Mega Entertainment.


Ayon sa aktres, hindi raw kasi lahat ay isiniwalat ni Gerald nang mainterbyu ito ni Boy Abunda.

Saloobin ni Bea, “Apart, from of course the whole infidelity thing and the whole ghosting, I think I’m mad at him more because he gaslighted me.”


Wala pa rin daw pagbabago si Gerald simula’t sapul na naging sila at hindi inamin ang ginawang panloloko sa kanya.


“I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish," sabi pa ni Bea na ramdam mo ang galit sa mga pahayag.


Nu’ng na-heartbroken ang magandang aktres, si John Lloyd Cruz ang kanyang naging knight in shining armor.


Aniya, nu’ng malaman daw ni JLC ang nangyari, parang siya pa raw ang sinisi nito. Sinabi na raw kasi ni Lloydie na una pa lang ay hindi na siya pabor kay Gerald para kay Bea.

Hindi raw siya nakinig sa kanyang "great love" actor, sinunod pa rin niya ang puso dahil mahal nga raw niya si Gerald.


Anyway, heto ang ilang bumabahang komento ng mga netizens hinggil sa panayam sa aktres.

“The sweetest revenge to ex, Gerald Anderson, is not Dominic Roque. Gayahin mo si Ellen Adarna, gurl, laban kung laban!!! Gets ka din ng isang Derek Ramsay na jowa peg hak-hak. #realtalk


“Hindi lalaki ang sagot. Career at pera ang mas matibay na pundasyon, hindi lalaki. Makakatayo ang babae sa sariling paa kung may pera siya. 'Yung iba pa nga, nanlalalaki para magkapera. Ginawa nang career :)”


“Dominic seems like a loyal fella. Derek has the nice house, but that's about it. His notoriety is not for someone like Bea.”


“Buti nga at syota mo pa lang si Budoy. Imagine, kung asawa mo, ginanyan ka. Naku. Baka 'di lang sampal.”


“In truth, si Bea, 'di pa talaga naka-move on, no matter (how much) positivity she posts in her IG, the truth is, mayroon pa siyang nararamdaman.”


“Sinabi na ngang nagalit kasi other than that, hindi man lang nag-sorry, eh, nag-gaslight pa. Other than that, ok naman sana, 'yun nga lang, walang respeto si Budoy sa ex at ginamit pa sa promo ng teleserye niya to clean himself. 'Di ka ba masasaktan nu'n, gurl? Kung ako 'yun, susugurin at sasampalin ko talaga with all my might sabay sabing 'Sinungaling!'”


“Napilitan lang yata siya na nagde-date sila ni Dominic para sabihin na okay lang at naka-move on.”


“Dati pa niyang sinasabi na single siya pero dating. Wala siyang sinasabi na may bagong jowa na siya. Siguro, for companionship si Dominic.”


“Rebound naman talaga si guy. Pinilit kasi ni Bea maka-move on agad, siguro si Dominic lang 'yung pakalat-kalat sa harap niya kaya siya na lang muna in-entertain. Kaso, halata sa mga sagot ni girl na 'HE’S NOT THE ONE' yet. My advice to Bea is not to force herself to like or love Dominic if wala talaga siyang feelings for him. I’m sure she’s going to meet someone na masasabi niya agad na HE’S THE ONE.”


Ang ibang netizens, sinasabing, “Napansin ko rin, parang panakip-butas lang 'yung Dominic that's why she is not really sure about the guy. Well, just date and have fun. There's no pressure in getting married.”


May meaning naman ang sinabi ng isang commenter, “Based from what Bea said in the interview, she’s still open to falling in love with another guy and not Dominic since they’re not officially together naman pala. Feeling ko, may ibang lalaki pa na magugustuhan si Bea and it’s definitely not Dominic."


“Si JLC kaya?” ang sagot-tanong ng isang netizen.


Well, wala namang masama kung ang perennial love team ang magkatuluyan. Besides, dalawang dekada na silang magkakilala at botong-boto rin ang pamilya nila sa isa't isa.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page