Aktres, shocked… SAM, AYAW NANG PATAGALIN ANG KASAL NILA NI RHIAN
- BULGAR
- Jul 28, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 28, 2024

Ipinakita ng boyfriend ni Rhian Ramos na si Tutok to Win partylist Representative Sam Verzosa ang suporta sa Kapuso actress sa red-carpet premiere night ng latest film ng aktres titled When The World Met Miss Probinsyana last Saturday.
Nanggaling pa raw si Rep. Sam sa pamimigay ng relief goods sa mga kababayan natin na biktima ng bagyo. Sa kabila nito, priority pa rin daw niya si Rhian.
Natawa naman si Rep. Sam nu’ng maikuwento sa kanya ang sagot ni Rhian when asked kung ready na ang bida ng When The World Met Miss Probinsyana na maging First Lady.
“Kitang-kita naman sa suot n’ya, ‘di ba?” natatawang sabi ni Rep. Sam, habang si Rhian ay natawa nang malakas.
“Naka-Filipiniana s’ya. In-advance na n’ya,” biro ni Rep. Sam.
Nakasuot kasi si Rhian ng nude formal Filipiniana dress sa red carpet premiere night sa Cinema 5 ng Robinson’s Ortigas.
Seriously, tinanong namin sina Rhian at Rep. Sam kung may nagaganap na ba silang usapan tungkol sa pagse-settle down.
“Siyempre, nag-uusap na po tayo para sa future natin. At, uh, kaya po tayo nasa relationship is (para) maplano na ang buhay namin in the future. Inaayos namin at ah, ‘yun, aalagaan namin ang isa’t isa,” lahad ni Rep. Sam habang nakatitig sila ni Rhian sa isa’t isa.
Matatagalan pa kaya?
Sagot ni Rep. Sam, “Eh, ‘wag na nating patagalin. Hahahaha!”
Shocked si Rhian sa sinabi ng politician boyfriend niya.
Reaction ng aktres, “Na-pressure ka ba?”
Esplika ni Rep. Sam, “Siyempre, ‘yung pag-aalaga sa ‘yo, eh, ‘wag na nating patagalin.”
Tinukso ni Rhian si Sam at biniro na baka na-pressure ito sa tanong namin.
“Akala ko, mabilis kang ma-pressure. Ang bilis nu’n, ha?” natatawang sundot ni Rhian sa boyfriend.
Then, we asked Rhian kung ready na ba siya mag-settle down with Rep. Sam.
“Well, ‘yun nga. Siyempre, the reason naman why we’re together is kasi nakikita namin ‘yun sa future namin. It’s just that, at the moment, wala naman kaming future plans na mangyayari na.
“But, I’m sure eventually, I cannot say I’m sure. Hahaha! Ano ba ‘yung nasabi ko?” bawi ni Rhian.
Hirit naman ni Rep. Sam, “Siyempre, surprise. Baka unahan n’yo ako, dapat hindi n’ya alam.”
Natanong din si Rhian kung ano ang rason at na-in love sila sa isa’t isa.
“Well, actually, just like the characters in our movie, I feel more empowered knowing that he’s always ready to support me,” diin ni Rhian.
Lastly, we asked Rep. Sam kung ano ang ibibigay niyang suporta sa latest movie ni Rhian na When The World Met Miss Probinsyana na ipapalabas sa mga sinehan sa August 7, knowing na hindi masyadong sinusuportahan ng mga manonood ang local films sa mga sinehan.
Pangako ni Rep. Sam ay dadalhin niya ang mga taga-Sampaloc, Maynila sa mga sinehan para manood ng movie ni Rhian.
Anyway, When The World Met Miss Probinsyana is a film based on the life of Miss Marjorie Aviso, currently the CEO of Telework PH, president of Global Impact Production. Si Ms. Aviso rin ang executive producer na isinulat at idinirek ni Jenny Pearl Ninalga.
Ayon kay CEO Aviso, “I have always asked myself if my story is even worth telling kasi ang dami pa naman d’yan na ibang kuwento na deserve to be told. Pero ang movie kasi namin ay patunay na you do not have to be great para makagawa ng difference sa mundo. I am eternally grateful to Direk JP, staff and crew for creating such a masterpiece and to my team at Telework PH for this milestone.”
Para kay Rhian, ang pelikula ay tungkol sa paano nagiging limited ang options with work and education and all of that kapag lumaki ka sa probinsiya.
Pahayag ni Rhian, “Before doing this movie, there’s so many untold stories na ‘di rin ako aware kung gaano ka-limited ang options outside of the main cities like Manila, Cebu, or Davao. Hindi ako aware na para bang ito lang ang options mo for the future. It’s also like you’re not free to dream, I hope a lot of women watch this and fear not the freedom of whatever they dream of.”
Kasama rin sa When The World Met Miss Probinsyana sina Sid Lucero as Wil, Marjorie’s supportive partner together with Lance Raymundo, James Marco, Joshua Zamora, Camille Rose, Jyra De Guzman, Kristine Abbey, Kristal Luistro, Ayah Sarmiento, at Rowie Cardona.
Sina Eligio Iga Jr. at JP Ninalga ang sumulat ng script at director of photography si Logie Ninalga.





Comments