top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktres, panay kandong naman sa BF… KOBE, TODO-BAKOD KAY KYLINE, NAKABUNTOT KAHIT SAAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 20, 2024
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 20, 2024



Photo: Kobe Paras at Kyline Alcantara / IG


Hindi nauubusan ng ayuda ng pampakilig ang mga fans nina Kyline Alcantara at Kobe Paras dahil lagi silang magkasama o laging sinasamahan ni Kobe ang girlfriend. Ang tawag nga ng mga fans sa ginagawa ni Kobe ay binabakuran ang Kapuso actress dahil talagang walang araw na hindi sila magkasama.


Sa last taping day nga ng Shining Inheritance (SI), nakabantay si Kobe sa set and in fairness, nakaupo lang at hindi nagpapansin. Si Kyline na lang ang pumupunta sa kanya kapag tapos na ang kanyang mga eksena.


Sa video reels na napanood namin, super sweet ang dalawa at may eksena pa ngang nakakandong na naman si Kyline kay Kobe. 


Na-blind item si Kyline na nakakahiligang magpakandong sa boyfriend at tinawag siyang “Kandong Queen”. 


Ang mga fans, walang nakikitang masama sa pagkandong ni Kyline kay Kobe, sa ganoong pagpi-PDA (public display of affection) raw nila ine-express ang love nila sa isa’t isa.


Anyway, muling nakitang magkasama sina Kyline at Kobe sa launch ng new iPhone 16, dahil kabilang sila sa mga celebrity guests. Ibig sabihin, hindi lang sinamahan ni Kobe si

Kyline, invited din siya.


The two look good together at mababasa ang mga comments na: 


“Most requested couple.” 


“Sobrang bagay, naging softboy si Kobe.” 


“Powerful, hottest and most loved couple today in the Philippines.” 


“Husband and wife, eme. Hahaha!”


Pati ang mom ni Kobe na si Jackie Forster, napa-comment ng “So pogi, my baby!!! You two looking hot.” 


This is not the first time na nag-comment si Jackie kina Kobe at Kyline at natutuwa ang mga fans ng dalawa. Mukhang okey daw si Kyline Alcantara sa mom ni Kobe Paras.



IN-ANNOUNCE ni Nadine Lustre at ng boyfriend nitong si Christophe Bariou na malapit na ang launching sa market ng kanilang plant-based milk product na tinawag nilang “Dehusk.” Locally made ito at gamit ang coconut milk na para kay Christophe, the best in the country.


Ang Dehusk ang pinagkakaabalahan ni Nadine kapag wala siyang ganap sa showbiz at commitment niya ito at ng kanyang boyfriend.


“It’s very exciting because we’re launching really soon. We’re in the final stages of planning for our marketing,” banggit ni Nadine sa interbyu sa kanila ng GMA Lifestyle.


“We’re very, very excited because finally, you know, in a few weeks, we’ll be launching and then we’ll be able to show everyone what we’ve been working on,” patuloy ni Nadine.


Sey naman ni Christophe, “It’s gonna come soon and we’re gonna finally use the best of the Philippines for ourselves, you know? Like, coconut milk is just such a basic thing here so we’re very happy to share it with everyone.”


Samantala, muling mapapanood si Nadine sa horror movie na Nokturno sa Prime Video sa October 31. This is a film by Mikhail Red at tungkol sa mga kumakatok na hindi mo alam kung tao, aswang o elemento. 


A Viva Film movie at kasama sa cast sina Eula Valdez, Wilbert Ross, JJ Quilantang at Bea Binene.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page