top of page

Aktres, napaiyak sa pag-amin… AI AI AT MISTER, 2 BESES NAWALAN NG BABY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 26, 2023




Napaluha si Ai Ai delas Alas sa story conference ng bagong pelikulang pinagbibidahan niya, ang Litrato under 3:16 Media Network held last Tuesday.


Sa nasabing storycon ay natanong sa Comedy Concert Queen ang tungkol sa baby plans nila ng asawang si Gerald Sibayan at hindi niya napigilang mapaluha.


“'Yun kasing mga ano namin, ‘yung babies namin, ‘yung dalawa. . .ayan, tingnan mo, naluluha na nga ako. . . 'yung dalawa, hindi natuloy. Isa na lang ang natitira,” aniya.


Pagkatapos nito ay tuluyan nang napaluha si Ai Ai at hindi na nakapagsalita.


Matatandaang two years ago pa nang i-reveal ni Ai Ai ang planong pagkakaroon ng baby via IVF (in vitro fertilization) and in fact, mayroon na nga raw silang tatlong embryos na ita-transfer na lang sa sinumang mapipili nilang surrogate mother.


Hindi na idinetalye pa ni Ai Ai kung ano ang nangyari at nag-fail ang dalawang IVF procedure.


Samantala, ang Litrato ay isang comedy-drama film tungkol sa isang lola na si Edna diagnosed with dementia na gagampanan ni Ai Ai.


Ayon kay Louie Ignacio na siyang magdidirehe ng pelikula, si Ai Ai lang talaga ang first and only choice niya na gumanap bilang Lola Edna.


“Nu’ng inisip ko ang konsepto na ‘to, walang iba akong inisip kundi si Ai Ai ang gumanap bilang Lola Edna. Nag-usap kami ni 'Nay Len (Carillo, the producer), '‘Nay Len, ‘pag iba po ang gaganap, ‘wag na lang po nating ituloy ang pelikula.’ Kaya kay Ai Ai po talaga ito,” sey ni Direk Louie.


Saad pa ng premyadong direktor, acting piece raw ito for Ai Ai at kaabang-abang daw talaga ang pelikula lalo na nga ang twist nito.


Flattered and honored naman si Ai Ai sa sinabi ni Direk Louie at aniya, excited na siyang simulan ang pelikula.


Makakasama ni Ai Ai sa Litrato sina Ara Mina at ang aktres-screenwriter na si Quinn Carillo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page