Aktres, nakikipag-usap na sa mga abogado… SARAH AT RICHARD, PAPUNTA NA SA ANNULMENT
ni Ambet Nabus @Let's See | December 10, 2023

Speaking of Sarah, nagpapasalamat naman ito sa Viva Films dahil sa series na inalok dito.
May tentative title na Lumuhod Ka sa Lupa ang naturang project at nagsimula na nga itong mag-shooting.
Medyo nababahala lang ang mga nakikisimpatya sa aktres dahil sa latest post nito tungkol sa pasasalamat nito sa Viva Films, sobra yata itong pumayat lalo't nagpaputol na rin ito ng buhok.
May repleksiyon talaga na meron itong pinagdaraanan though napakaganda pa rin nito.
Kung magsasalita na ba ito hinggil sa hiwalayan nila ni Richard ay ating malalaman very soon.
May lumulutang din kasing tsismis na baka umano mauwi sa annulment ang isyu lalo't may mga tsikang nakikipag-usap na ito sa mga abogado?





Comments