Aktres, naglakad nang hubo't hubad… TRAILER NG MOVIE NINA RHIAN AT JC, BINIGYAN NG X RATING NG MTRCB
- BULGAR

- Jul 23
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 23, 2025
Image: Rhian Ramos - IG
Nakakatuwa ang mga netizens, isini-ship sina Rhian Ramos at JC Santos kahit alam na pareho silang may partner. Bagay daw ang dalawa, ang lakas ng chemistry kahit first time silang nagtambal sa Pocket Media Productions film na Meg & Ryan (M&R).
Ganu’n kalakas ang chemistry ng mga bida ng pelikula ni Director Catherine “CC” Camarillo at kung ang mga netizens lang ang masusunod, gusto na nilang mapanood ang nasabing pelikula.
Ang mga gustong maunang makapanood ng M&R, puwede sa premiere night at uulitin na lang nila ang panonood sa regular showing ng movie na magsisimula sa August 6, 2025.
May nagko-congratulate na nga kina Rhian at JC at ang ganda ng message ng isang netizen na, “‘Meg and Ryan’, you look good together! I know you both did amazing sa movie na ‘yan! Wishing this film will be a hit,” na wish din ng mga bida at ni Direk Catherine at ng ibang cast ng movie.
Samantala, hindi sinagot ni Rhian kung ilan ang kissing scene nila ni JC, panoorin na lang daw ang movie para malaman.
Sa trailer, passionate ang isa nilang kissing scene, pero hindi naman yata ‘yun ang rason kung bakit nabigyan ng ‘X’ rating ng MTRCB ang original trailer ng movie.
Sey ni Direk Catherine sa interview sa kanya ni Jojo Panaligan at ng ibang press, nagulat siya sa ‘X’ rating.
Aniya, “I never got to know why it got rated so, but I got depressed (over it). Dahil ba may word na f**k? Or sex? Or was it Rhian crossing the street naked? Because I wasn’t trying to do an ‘X’-rated film at all.”
Ini-revise ang trailer at nang muling i-submit ng Pocket Media, ‘PG’ na ang rating. Trailer lang ito, hindi pa natin alam ang rating sa buong pelikula, pero dahil sa tsikang ito na nabigyan ng ‘X’ ang original trailer, mas lalong marami ang gustong mapanood ang Meg & Ryan.
“CONGRATULATIONS, my love,” ito ang comment ni Dingdong Dantes sa kanyang misis na si Marian Rivera for her another Best Actress award for Balota in the 8th EDDYS Awards.
Bukod kay Dingdong, marami pa ang nag-congratulate sa aktres sa muli niyang pagkapanalo ng acting award.
Kabilang sa nag-congratulate kay Marian ay si Senator Bam Aquino na ang sabi, “Congratulations, Marian and to the Balota team! Mabuhay kayo.”
Hindi nagpahuli si Aga Muhlach sa comment na, “Congrats!!! Again and again!”
Ang bilang ng mga fans, 17 awards na ang nakuha ng Balota at kasama rito ang Best Actress award ni Marian. Kung magtutuluy-tuloy ang winning streak niya, baka maka-grand slam siya at kapag nangyari ‘yun, hindi lang si Marian ang magdiriwang, pati ang kanyang mga fans na mula nang magsimula siya sa showbiz, matindi na ang suporta sa kanya.
May ilang bashers lang na mahirap i-please at kung anu-ano ang hinanap sa pelikula at sa acting ni Marian. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga ito kapag naka-grand slam si Marian?
Sa ngayon, pahinga muna siya sa acting at judge muna siya sa Stars On The Floor (SOTF). Ang husay muna niya sa pagsasayaw at kung paano siya maging judge sa isang dance competition ang kanyang ipinapakita.
Balik-socmed, kilalanin daw sila ni Bimby…
“WE ARE VERY DIFFERENT PEOPLE NOW” - KRIS
MAY dagdag na update si Kris Aquino sa kanyang kalagayan nang may mag-comment na sana, ma-meet siya nito in person. Ia-isolate raw siya.
Aniya, “I pray that meeting me in person can happen after my isolation, which will start in September, provided I pass the steroid tolerance test.
“By that time, I’ll be on three immunosuppressants for at least six months.”
Kinailangan pa naming i-Google kung ano ang ibig sabihin ng ‘immunosuppressants’ para maintindihan ang gagawin kay Kris. Ipagdasal na lang natin na maging successful ang treatment niya at gumaling na siya.
Waiting naman ang mga fans sa time na ite-take-over ni Bimb ang Instagram (IG) ni Kris. Pero ang sabi ni Kris, itse-check muna niya bago mag-post si Bimb.
“Get to know us because we are very different people now,” sey ni Kris Aquino.










Comments