top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Aktres, may kargang bata… VIVA, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA MAY ANAK NA SINA XIAN AT LOUISE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11, 2025
  • 4 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 11, 2025



  • Louise delos Reyes at Xian Lim - IG

Photo: Louise delos Reyes at Xian Lim - IG


Mariing pinabulaanan ng Viva Artists Agency (VAA) ang mga kumakalat na balita ngayon sa online world tungkol sa kanilang dalawang artists na sina Xian Lim and Louise delos Reyes.


Kalat na kalat kasi ngayon online ang tsikang may anak umano ang dalawa at mismong si Louise pa umano ang kumumpirma nito base sa isang artikulo na lumabas sa isang website.


Makikita rin ang isang larawan na may kargang baby si Louise, suggesting na ito ang anak nila ni Xian.


Kaagad namang naglabas ng statement ang VAA tungkol dito at pinabulaanan ang balita.


“There are rumors circulating online which suggest that two of our artists, Louise Delos Reyes and Xian Lim, have a child together. These rumors are completely false and are in fact, libelous,” simula ng statement ng VAA na inilabas sa kanilang social media account kahapon.


Ayon pa sa management ng dalawa, maliwanag na ‘clickbait’ ang naturang fake news at sinabing ‘irresponsible, exploitative and in poor taste’ ang imbentong balita.


“In what we see as an attempt to gain more attention, as ‘clickbait’, some of these posts also include a photo of a minor. This is an invasion of privacy and is inappropriate, irresponsible, exploitative, and in poor taste,” saad ng VAA.


“We ask that the public refrain from spreading or engaging with malicious and false information, and remind all to be discerning of content posted online. Thank you,” saad pa ng talent agency.


Nakakaloka talaga ang balitang ito dahil alam naman ng lahat na may kani-kanyang karelasyon sina Xian at Louise.


Ang girlfriend ni Xian ay ang film producer na si Iris Lee, habang si Louise naman ay engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jino Brion noon pang December, 2024.


Bagama’t nagkasama sila sa 2019 film na Hanggang Kailan (HK), ni hindi nga sila na-link noon at walang anumang balita na nagde-date or nagliligawan sila kaya naman talagang kagulat-gulat ang balitang mayroon silang anak.



NAGBABALIK sa AM radio ang DZMM Radyo Patrol 630 sa pamamagitan ng 24/7 programming lineup na sabayang napapakinggan at napapanood sa DZMM Teleradyo sa pay TV at online simula Hunyo 2.


Kasabay ng pagbabalik nito, muli na ring mapapakinggan ang dalawang pinakatanyag na tinig sa radyo sa Pilipinas – sina Noli de Castro at Charo Santos.


Ang Kabayan, ang flagship public affairs program ng beteranong mamamahayag na si Noli de Castro, ay mapapakinggan na sa bagong time slot tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 AM hanggang 11 AM. 


Samantala, muling magbabalik ang radio adaptation ng tanyag na MMK, ang MMK sa DZMM, tuwing weekdays mula 12:30 PM hanggang 1 PM.


Ipinahayag ni Media Serbisyo Production Corporation president Marah Faner-Capuyan ang kanyang kasabikan sa pagbabalik ng DZMM sa himpapawid.


Aniya, “Tayo ay natutuwa dahil ang isa sa mga pinagkakatiwalaang AM radio station sa Metro Manila ay magbabalik na.”


Dagdag naman ni Charo Santos, “We are bringing back a legacy of service, information, and entertainment. Nasa puso na ‘yan ng bawat Kapamilya.”


Unang makakasama ng mga tsuper sa paggising sa 4 AM ang pambungad na programang Radyo Patrol Balita Alas Kwatro (RPBAK) kasama sina Robert Mano at Steve Raz, na susundan naman ng Ronda Pasada (RP) mula 5 AM hanggang 6 AM, kasama si Johnson Manabat, hatid ang traffic at weather updates.


Gigising naman sa bayan si Alvin Elchico sa Gising Pilipinas (GP) mula 6 AM hanggang 7 AM, at sa sumunod na oras, makakasama niya si Doris Bigornia sa Radyo Patrol 630 Balita. Balik-tambalan naman sina Doris at Robert mula 8 AM hanggang 9 AM sa Tandem ng Bayan (TNB).


Hindi pahuhuli sina Peter Musñgi at Rica Lazo sa Balitapatan mula 9 AM hanggang 10 AM, na susundan ng pagbabalik ng isa sa pinakainaabangang programang Kabayan kasama si Kabayan Noli De Castro. 


Si Niña Corpuz naman, kasama si Migs Bustos, ang mapapakinggan sa


Nagseserbisyo Niña Corpuz (NÑC) mula 11 AM hanggang 12 NN.

Tuluy-tuloy ang balitaan mula 12 NN hanggang 12:30 PM sa Headline Ngayon (HN) kasama sina Jeff Hernaez at Rica Lazo. Magsisilbing panghimagas naman sa pananghalian ang mga kuwento ng inspirasyon at pag-asa hatid ni Charo Santos sa MMK sa DZMM.


Usapang batas ang hatid ng Hello Attorney (HA) kada 1 PM kasama si Atty. Noel Del Prado at Lyza Aquino at usapang kalusugan ang hatid ng Aksyon Ngayon (AN) tuwing 2 PM kasama sina Tita Winnie Cordero at Doc Denis. Susundan naman ito ng true-to-life at lifestyle stories sa Ako ‘To, Si T’yang Amy (ATSTA) kasama si T’yang Amy Perez tuwing 3 PM.


Tampok naman ang maiinit na balita sa hapon at usapin sa bayan mula 4 PM hanggang 4:30 PM sa Headline sa Hapon (HSH) kasama si Tony Velasquez, at ATM: Ano’ng Take Mo? (AATM) mula 4:30 PM hanggang 5:30 PM.


Sa magkaparehong oras na 5:30 PM hanggang 6:30 PM, tampok sa Isyu Spotted (IS) ang maiinit na usapin sa bayan, kasama sina Tony at Karmina Constantino, na mapapanood sa DZMM Teleradyo, at tampok naman sa Arangkada Balita (AB) ang mga nagbabagang balita ng oras kasama sina Niña at Jeck Batallones.


Mapapakinggan at mapapanood naman tuwing 6:30 PM hanggang 8 PM ang pinakamalalaking balita ng araw sa TV Patrol sa DZMM sa pagsasanib-puwersa ng primetime flagship newscast ng ABS-CBN.


Tuluy-tuloy naman ang kuwentuhan sa pagsapit ng 8 PM sa Spot Report (SR) nina Jeff Caparas at Marlene Padiernos; Alam na This tuwing 9 PM kasama sina Papa Ahwel at DJ Jhai Ho; at ang Love Konek (LK) tuwing 10 PM hanggang 12 MN. Sa mga puyat at night shift, si Dan Capucion ang makakasama sa pagsapit ng hatinggabi sa Remember Your Music (RYM) para sa classic hit songs.


Napapakinggan ang DZMM Radyo Patrol 630 sa 630 kHz AM band, at napapanood ang DZMM Teleradyo sa Skycable at halos 170 pang cable providers nationwide, TFC, iWant, satellite TV, at online sa official Facebook (FB) at YouTube (YT) pages nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page