Aktres, mas sikat daw kasi… FRIENDS NI BEA, 'DI BOTO KAY DOMINIC
- BULGAR
- Jul 21, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 21, 2023

Speaking of proposal, nag-trending din ang nangyaring engagement sa pagitan nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Talagang pinatunayan ni Dom na never siyang nagpaapekto sa sinasabing ‘agwat’ ng status niya kay Bea.
Itinuturing na ‘superstar’ si Bea sa showbiz, habang working actor ang tawag kay Dom.
Pero hindi ito naging isyu sa dalawa kahit may time raw noong umpisa ng relasyon nila na nasasaktan si Dom sa akusasyon dito na hindi siya bagay kay Bea, lalo’t sa ilang mga kaibigan pa ni Bea ito nanggagaling.
Wala pang ibang detalyeng inilabas ang magkasintahan, pero mas marami ang natuwa at nag-aabang sa mga plano nila on their wedding etc..
For now, let’s be happy for them and say our “congratulations” dahil dalawa na naman sa best-looking personalities sa showbiz ang nagpapatunay that love conquers all.





Comments