top of page

Aktres, inirereto sa Cabinet secretary… MGA ANAK NI KRIS, SI WILLIE ANG GUSTONG MAGING TATAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 10, 2021



As usual, wala pa ring kupas si Kris Aquino in terms of hosting. Pinatunayan niya ito sa comeback hosting job niya nu'ng Linggo with Willie Revillame para sa TV special ng Shopee na napanood sa GMA-7.


Sa nasabing TV special, ipinamalas din ng Queen of All Media kung paano niya pinamper si Kuya Wil.


Habang nagho-host ang dalawa, nakita ni Kris na pawis na pawis si Willie.


Sey ni Kris, “Teka nga, bakit walang nag-aalaga sa 'yo? Pahinging Kleenex nga. Nababaliw ako sa inyo. Pawis na pawis na si Wil.”


Pagkabigay ng tissue kay Kris ay agad niyang pinunasan ang mukha ni Kuya Wil.


Tinukso naman ng TV host si Krissy, kaya sabi nito, “Pinupunasan ka lang, 'kaloka ka.”


Tanong naman ng Wowowin host, “Bakit mo 'ko pinupunasan?”


Sagot ng Queen of All Media, “Inaalagaan ka nga.”


Muling nagbiro si Kuya Wil, sinabi niyang hindi naman daw sila mga phenomenal love team tulad ng AlDub at idinagdag pang matatanda na raw sila.


Nauna na ring nagbiro si Kris bago siya nag-umpisang mag-host habang behind the camera ang Wowowin host.


Aniya, “May girlfriend ka na or hinihintay mo 'ko?”


Patuloy pa ng celebrity mom, “Kanina, may inireto siya sa 'kin, eh, dapat daw si Secretary… Bakit mo ba ako inirereto? Alam naman nating lahat ikaw ang gusto ng mga anak ko.”


Hahaha! Ganyan kung magbiruan ang magkaibigan.


Alam naman ng lahat na isa si Willie sa mga pinakamalapit na tao kay Kris. Pero, sa sinabing 'yun ng TV host-actress, hindi naman kaya sa bandang huli ay magkatuluyan ang dalawa?


Bandang huli, sabi ni Kris, "Sorry, I'm just being naughty. Sinabi ko naman kasing 'wag akong seryosohin.


"Pero obvious naman na kinilig. But in all sincerity, straight from my heart, THANK YOU, Willie, for your generosity and for really taking care of me.


"Like I said, you have my lifelong gratitude and support because you were there when you didn't have to. Naging napakabuti mo sa 'min nina Kuya Josh and Bimb."


Komento ng mga netizens sa muling pag-appear ni Kris sa TV…


“I have watched it on GMA-7 and KRIS AQUINO is KRIS AQUINO. SHE'S SUPER GOOD. WELCOME BACK KRIS. HOPING FOR A TALK SHOW WITH JESSICA SOHO SOON.”


“She could host Wowowin if ever na umalis si Willie sa show niya.”


“Ang ganda ni Krissy! Gusto ko din 'yung styling sa kanya rito na hindi ang daming kulay ng tela ng suot niya. She looks so yayamanin and mabango. Puwede siyang makipagsabayan doon sa mga bida sa K-drama na Mine.”


“Hindi kinaya ni Willie ang mga adlibs ni Kris. Kung puwede lang sigurong i-mute na muna niya, kaya lang, live show. Gusto talaga ni Kris si Willie, kahit joke, half meant naman.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page