top of page

Aktres, buking na may ibang labs… PICTURES NINA JILLIAN AT EMAN SA IG NA MAGKASAMA, BURADO NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 22, 2026



BIDA - PICTURES NINA JILLIAN AT EMAN SA IG NA MAGKASAMA, BURADO NA_IG _emanbacosapacquiao

Photo: IG @emanbacosapacquiao



Ano ba ‘yan, hindi pa man lumalayag ang kung anumang relasyon meron sila, heto at nagkalabuan na agad sina Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao. 


Deleted na sa kani-kanyang Instagram (IG) ang videos at photos nila na magkasama. Para bang winalis at parang hindi sila nagkakilala at may mga events na kanilang pinagsamahan.


Pati ang panonood ni Jillian ng boxing bout ni Eman sa Tagbilaran City, Bohol, wala na rin sa IG nila. To think na kasama pa ni Jillian ang pamilya niya na pumunta ng Tagbilaran, at pati ang photo ni Jillian with Eman’s mom, wala na rin.


Hindi namin alam kung sino kina Jillian at Eman ang unang nag-delete ng photos at videos nila sa IG nila at kung ano’ng dahilan. Hindi naman siguro utos ng GMA iyon dahil hindi pa nga umeere ang episodes na guest si Eman sa Never Say Die (NSD), ang action series nina Jillian at David Licauco.


Hindi rin namin alam kung may kinalaman ang cryptic post ni Eman na, “I can fight 100 men who want you, but I can’t fight a guy who you want.”


Kahit nilinaw ni Eman na not Jillian-related ang post niyang iyon, marami pa rin ang nag-akalang para sa aktres, lalo na’t nag-delete sila ng photos at videos sa IG nila.

Dahil sa post na ito ni Eman, gustong malaman ng mga fans kung sino ang guy na gusto ni Jillian. 


Si Raheel Bhyria ang nali-link kay Jillian, na incidentally, kasama rin sa cast ng NSD at nagkakilala na sila ni Eman nang mag-taping ito.


Ang payo kay Eman Bacosa Pacquiao, mag-focus na muna sa boxing at sa career niya sa showbiz at saka na ang love life. Saka, marami pa raw siyang makikilalang babae, kaya mag-move on na siya kay Jillian Ward.





Nakipagsabayan kina Anne at Alice…

ATASHA, NAGPAKITA NA RIN NG KATAWAN





TINAPOS ng Century Tuna ang panghuhula ng mga netizens kung sino ang mga bago nilang Century Tuna Superbods dahil ini-reveal na ang identity ng tatlo – sina Anne Curtis, Atasha Muhlach at Alice Dixson with EJ Obiena ang bago nilang endorsers. Coincidence lang kaya na puro letter A ang name ng three actresses?


In fairness, marami ang nakahula kay Atasha at kaya raw pala pumayat ito dahil pinaghandaan ang pagiging Century Tuna Superbods. 


May abs si Atasha, kaya proud sa kanya ang kanyang mga fans. Mas lalo sigurong proud sa kanya ang parents niyang sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach. 

Siguro, proud din sa kanya ang rumored boyfriend na si Jacob Ang.


Naka-post na sa Instagram (IG) ni Atasha ang TVC ng Century Tuna Superbods at makikitang nakipagsabayan siya kina Anne at Alice sa pagkakaroon ng fit body.

Of course, hindi nagpahuli sina Anne Curtis at Alice Dixson na ang comment ng fans, si Atasha Muhlach ang new version ni Anne at si Anne ang younger version ni Alice.





GINAGAWA palang dark ang buhok ni Manilyn Reynes sa Born to Shine (BTS) para maiba sa buhok niya sa Pepito Manaloto (PM). Ipinost ng aktres ang reels video kung saan kinukulayan ang hair niya.


“Ganito po ginagawa ang buhok ni Nanay Minchie ng Born to Shine. Ginagawang dark para iba kay ‘Nay Elsa ng Pepito Manaloto,” caption ni Manilyn.


Ibang-iba rin ang karakter ni Manilyn sa BTS. Sa simula ng story, singer siya at member ng Rosabellas group. Nagbago ang masayahin nitong karakter nang mabuntis, maging dalagang ina at lumayo sa spotlight. Naging bugnutin si Minchie, laging galit at ayaw pasukin ng anak na si Jennie (Zephanie) ang pagkanta. Isa iyon sa subplot ng musical drama series. 


Dahil magaling na aktres, kayang-kaya ni Manilyn ang dalawang magkaibang role.


Enjoy si Manilyn working with Tina Paner, Roselle Nava and Vina Morales, at nag-enjoy din siya working with Tessie Tomas. 


Ang ganda ng kanyang sinabi patungkol kay Ms. Tessie.


Aniya, “Working with her or just merely chatting (and goofing around at times), I’m always in awe of how she carries herself, the way she speaks, just who and how she is, and oh that talent! Wonderful human being—the Queen of Stand-up Comedy, Ms. (Tita) Tessie Tomas. And we three? Definitely fan-girling here. Hihihi!”

Bongga!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page