top of page
Search
  • BULGAR

Aktor, magdadala lang daw ng X'mas gifts, Sen. Win.. NETIZENS KAY BIANCA: ILABAS MO ANG BUONG USAPAN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 23, 2023





Nasa Christmas vacation pa niya sa Japan ang beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo, pero sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, naglabas na ito ng official statement kaugnay ng kumalat na cheating convo diumano nila ng Kapuso actor na si Rob Gomez.


Sa kanyang IG post kahapon, mababasa ang explanation ni Bianca sa kumalat na controversial 'convo' na pinapupunta diumano niya si Rob sa kanyang condo unit sa BGC nang 7 AM, kung saan may linya pa siya ru'n na, "He's not here. He's in Valenzuela," na obviously, ang tinutukoy ay ang senator boyfriend niyang si Sen. Sherwin Gatchalian.


"Let me clear all the false rumors circulating on the internet," simula ni Bianca.Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport.


It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing, dagdag niya.


It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations," ani pa ni Bianca na in fairness, umaming convo nga nila 'yung kumalat, pero wala namang tinukoy kung sino ang nag-delete ng ilang parts ng convo nila ng aktor.


Sa huli, nakiusap itong tapusin na ang issue sa kanila ni Rob.


Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family.


Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone," pagtatapos ni Bianca.


Pero taliwas sa inaasahan ni Bianca na matatapos na ang mga espekulasyon at pagdududa ng madlang pipol na may secret affair sila ni Rob, mukhang lalong nadiin at pinagtatawanan pa ng ilan ang 'very elementary' daw na palusot ng GF ni Sen. Win, to think na isa pa naman daw siyang beauty queen.


Ilan sa mga makabuluhang comments ng mga netizens (published as is)…


"Wag kameee Bianca haha. Very elementary excuse and anlakas mka gaslight ah"


"I dont get it. Bkit kailangan pang itext hes not here he is in Valenzuela kung maghahatid lang pla ng gift. Ay sauce."


"Kung ako si BM, hindi ko din popost buong convo for the sake of satisfying gossipers. Kung meron man ako dapat pagpakitaan or pag explainan yung bf ko lang. Hayaan ko mag isip ang iba ng masama. She makes sense naman na among all the convos, hers yung most empty."


"Pero bakit may pick up other girls keme sa TG?

So alam nya na Rob is fooling around with other girls..?"


Suggestion naman ng isa, "Ang simple ng solusyon jan, nagstatement na lang din bakit hindi nya pa inattach yung original conversation nila to support her claims? eh di tapos ang usapan."


Hamon ng isa pa na may pang-aasar pa kay Bianca, "Bianca kung di totoo ang post e di screen shot mo ang totoong convo niyo ni Rob.


Tapos kasuhan mo ang nag post na as you said malisyoso. Malakas naman ang senator mong boyfriend kayang kaya ka niyang ipag tanggol kung may paninira talagang nangyari. Sa super lakas nga ni bf mo nakapag birthday party ka pa nga sa Malacanang eh! Go girl!"


"Im sure your senator bf can afford ang pinaka malupit na law firm. Exhaust all means para malinis ang pangalan mo, para hindi ka na ma-hurt. And to prove that the post was really malicious," pag-agree ng isa pa.


"Truth. Release your whole convo."


"Pero bakit may pa-he's in valenzuela? Hindi pede ibigay ang gifts pag andun si senator?


Palusot. com yarn," hirit din ng isa pang netizen.


Hmmm sasagot pa kaya uli si Bianca o "Less talk, less mistake" na lang ang magiging motto niya ngayon?


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page