Aktor, kung kelan game nang mag-asawa… ELLEN, TUMANGGI SA ALOK NA KASAL NI DEREK, TODO-ENJOY LANG
- BULGAR

- Mar 5, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 5, 2021

Nag-alok na ng kasal si Derek Ramsay sa GF niyang si Ellen Adarna kahit na isang buwan pa lang ang kanilang relasyon. Pero, tinanggihan daw ito ng sexy actress at sinabing huwag muna.
Kung kailan naman gusto na ni Derek na magpatali sa kasal, saka naman hindi handa si Ellen.
Well, hindi na ito pinagtatakhan ng mga showbiz observers dahil si Ellen ay hindi nga sampalataya sa kasal. She's not the marrying type! Okay sa kanya ang pakikipagrelasyon, pero ang pagpapakasal ay wala sa kanyang agenda.
Hindi siya ang tipo ng babaeng magpapatali sa matrimonya ng kasal kahit mahal pa niya ang lalaki. Hindi basta-basta isusuko ni Ellen ang kanyang kalayaan.
Eh, kung kay John Lloyd Cruz nga, nagkaanak na sila pero hindi pa rin siya nagpakasal. At nauwi nga sa paghihiwalay ang mahigit dalawang taon ng kanilang relasyon.
Talagang anak lang ang hinabol ni Ellen kay Lloydie, hindi kasama sa plano niya ang pagpapakasal at pagiging domesticated.
At kung ang ibang naging GF ni Derek Ramsay ay kasal ang hinihintay na ialok ng aktor, si Ellen Adarna naman ay hindi gaanong interesado sa ganitong ideya. Hindi big deal sa sexy actress ang hindi maikasal kay Derek.
Let's see kung makukumbinse siya ng aktor na magpakasal. Sino ang mananaig sa dalawa? At bakit nga ba biglang-bigla ay gusto nang magpakasal ni Derek Ramsay?





Comments