top of page
RUN WILD - “I AM A GOOD PERSON. NO ONE CAN TAKE THAT AWAY” - ALDEN_IG _aldenrichards02.jpe

Aktor, ipinagtanggol sa paninira ni Xian Gaza… KUYA KIM, IBINULGAR NA NAG-DONATE SI ALDEN NG P1M SA KAIBIGANG MAY CANCER

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 27, 2026



BIDA - KUYA KIM, IBINULGAR NA NAG-DONATE SI ALDEN NG P1M SA KAIBIGANG MAY CANCER_FB Kim Atienza

Photo: FB Kim Atienza



Patuloy ang pagpapahayag ng suporta ng mga kaibigan ni Alden Richards sa kanya. May nag-share rin kung paano sila natulungan at kung paano tumulong ang aktor sa mga inilalapit sa kanya. 


May mga napili kaming isulat para naman malaman ito ng publiko dahil hindi ito ikinukuwento ni Alden.


Pahayag ni Kim Atienza, “When we were raising funds for my friend @edkalaw, who was dying of cancer, Alden donated P1M (million) selflessly with no need for acknowledgement. Just putting it out there.”


Sey naman ni Kenneth Medrano, winner ng That’s My Bae ng Eat… Bulaga!), “SOME THINGS ARE WORTH SPEAKING UP FOR.


“We, That’s My Bae, worked with @aldenrichards02 before in Eat Bulaga! And I can only speak about what I personally experienced with him.


“Sana, mabasa mo ‘to, (Xian) Gaza! Bayot kaayo kag baba animala ka da! (Ang bakla ng bibig mo, hayop ka talaga!)


“Sa totoo lang, wala talaga akong planong i-post ‘to. ‘Di ko rin ‘to ginagawa dahil tinulungan n’ya ako para magpasikat o para mag-viral ang post ko. Pero sa mga nangyayari ngayon, ito na lang ang paraan ko para kahit paano ay maipagtanggol s’ya. O kahit papaano, sa ganitong paraan ay masuklian ko ang kabutihan ni Alden sa akin o sa amin.


“Nu’ng nalaman kong kailangan kong operahan dahil sa testicular cancer, ‘di s’ya nagdalawang-isip na tumulong. ‘Di lang s’ya tumulong sa ‘kin. Marami pa sa industriya ang nag-abot ng tulong, pero pinili nilang ‘wag magpabanggit. Sa inyong lahat, maraming salamat. ‘Di ko makakalimutan ang kabutihan ninyo.


“Nakakalungkot lang na kung sino pa ang nakilala mong mabuti at matulungin, s’ya pa ang nasisira ang pangalan. Ang masakit, ang daming paratang na kumakalat na ‘di pa naman napapatunayan. Sana, bago tayo maniwala at manghusga, alamin muna natin ang totoo.


“‘Di ko sinasabing perpekto s’ya. Ang sinasabi ko lang, alam ko kung paano n’ya ako tinrato, at ‘di ko kayang manahimik habang nakikita kong sinisiraan ang taong minsan nang tumulong sa ‘kin.”





Paglaki ng tiyan, bantay-sarado sa madlang pipol… KIM AT SARAH, PAREHONG KALAT NA BUNTIS PERO AYAW UMAMIN



MULA nang ibalita ni Ogie Diaz na buntis daw si Kim Chiu, hinahanapan ng mga fans ng baby bump ang bawat bagong larawan ng aktres. Bakit daw wala pa silang makita?


Pati ang paglipat ni Kim sa pamamalakad ng Little House of Bunny PH pop-up store sa SM Lanang, Davao City sa mga kapatid na sina John at Twinkle Chiu, iniisip ng mga fans na dahil ito sa nababalitang pagbubuntis ng aktres-host. Siguro raw, ayaw ni Kim na mapagod nang husto at ma-stress.


Post ni Kim, “Sa aking mga igsuon @alfacharlie and my sissy @twinklechiu, SALAMAT KAAYO JUD (sa inyo) for always going the extra mile to make this happen!”

Pinasalamatan din ni Kim ang mga sumusuporta sa kanyang bag business.


Ang biruan pa ng mga fans, humabol si Kim kay Sarah Geronimo na nababalita ring buntis, pero hindi pa nila ito kinukumpirma ni Matteo Guidicelli.





Super bagay daw…

LUIS, TANGGAP NG FANS PARA KAY KYLIE



KINAKIKILIGAN ang love team nina Kylie Padilla at Luis Hontiveros sa Taskforce Firewall. Mag-asawa ang role ng dalawa sa action series. Marami silang eksena bilang mag-asawa at kahit may eksena na nag-aaway sila, hindi nababawasan ang kilig ng mga fans.


Kahit sinabi nina Kylie at Luis na pang-promo lang ang reels nila na very sweet, ayaw maniwala ng iba. Basta kinikilig sila dahil para raw totoo ang mga eksena ng dalawa.

Kaya mababasa ang mga comments na, “Bagay kayo,” “So kilig,” “Kinikilig ako,” “Ay, dito na lang ako. Sana, totoo na lang kasi bagay,” “Grabe ang chemistry,” “Bakit kay Jak ka pinapares? Walang kakilig-kilig, iba chemistry mo rito kay Hontiveros,” “Kayo na lang, please,” at “Hala, ang super-hot nila.”


Dahil sa nakakakilig na tambalan nina Kylie at Luis, may mga requests nang bigyan ng follow-up project ang dalawa kapag nagtapos na ang serye. Gusto rin ng mga fans na hindi kontrabida ang role ni Luis.


Of course, may nagwi-wish din na sana ay maging for real ang love team ng dalawa. Okay naman daw siguro kay Luis kung hiwalay si Kylie at may dalawang anak. Sana rin daw ay walang GF si Luis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page