top of page

Aktor, idinawit na sa droga… MADLANG PIPOL KAY PIOLO: BB, IDEMANDA MO NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 26, 2020




Hindi na katanggap-tanggap para sa mga netizens ang ginagawang paninira ni BB Gandanghari kay Piolo Pascual. Mukhang nawala na siya sa sariling katinuan at lahat na lang ng may kinalaman sa diumano'y nakaraan nila ni Piolo ay kanyang kinakalkal.


Wala na siyang pakialam kung tuluyan nang mawasak ang career at pagkatao ni Piolo Pascual, tutal, hindi naman makakaapekto sa kanya kahit na ano pa ang kanyang gawin at sabihin dahil wala na rin siyang career dito sa 'Pinas.


Wasak na wasak na ang pagkatao ni BB Gandanghari rito sa 'Pinas at inaayawan na siya ng lahat. Wala na siyang kakampi dahil mismong sarili niyang pamilya ay itinakwil na siya.


Pero, ang mga fans at supporters ni Piolo ang galit na galit. Pinapayuhan na nila si Piolo na gumawa na ng aksiyon at idemanda na si BB Gandanghari para manahimik na ito.


Grabe na ang kanyang pinaggagagawa ngayon, hindi na dapat palampasin. Hindi lang naman basta artista lang si Piolo. May malalaking endorsements din siya na dapat pangalagaan.


Ibang usapin na kung idinadawit na siya ni BB sa droga. Malaking kasiraan 'yun sa public image ni Piolo Pascual. Kailangan na niyang turuan ng leksiyon si BB!

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page