top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Aktor, ‘di na kasama sa mga nagpapasaya sa GF… JOHN LLOYD AT ISABEL, IN-UNFOLLOW NA ANG ISA’T ISA SA IG, BREAK NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 27 minutes ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 28, 2026



WINNER - JOHN LLOYD AT ISABEL, IN-UNFOLLOW NA ANG ISA’T ISA SA IG, BREAK NA

Photo: IG _isabelreyessantos



Usap-usapang break na si John Lloyd Cruz at ang painter-girlfriend niya na si Isabel Reyes. Pruweba nito ay ang pag-unfollow nila sa isa’t isa sa Instagram.


Una naming sinilip ang IG ni Isabel at tsinek kung ipina-follow pa niya si Lloydie.

Dalawang accounts ni Lloydie ang inilagay namin sa box ng ‘following’ sa IG ni Isabel, ang @johnlloydcruz83 at dumpsite gallery. Parehong no result ang lumabas sa aming paghahanap.


In the same manner, tsinek namin ang dalawang IG accounts ni Lloydie at parehong wala rin ang pangalan ni Isabel sa mga ipina-follow niya.


At sa latest IG post ni Isabel, may pahaging na clue sa estado ng puso niya ngayon sa caption.


Ipinost ni Isabel ang ilang larawan niya na kuha sa panonood niya sa Switzerland icon tennis player na si Roger Federer. Ginanap ang laro sa Arthur Ashe Stadium sa New York City noong August 25 bilang bahagi ng US Open Fan Week.


Kasama ni Isabel ang kanyang tatay na si Soler Santos na nanood sa pagbabalik ni Federer para sa isang highly anticipated exhibition event na tinawag na “An Icon Returns to New York.”


Nanood din ng game ni Federer ang Pinay tennis superstar na si Alex Eala.

Nahihilig si Isabel sa sports na tennis ngayon. In fact, ishinare niya ang mga larawan sa unang araw na sinubukan niyang maglaro ng tennis.


Going back sa IG post ni Isabel, inisa-isa niya ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya ngayon. Ang kahina-hinala, hindi niya binanggit ang tungkol sa kanyang boyfriend na si Lloydie sa caption at hindi rin siya kasama ni Isabel sa panonood ng tennis match ni Federer.


Caption ni Isabel, “Just want to be happy, play tennis, love dogs and be a good person. And do art.”


Dahil sa kanyang post, naging kapani-paniwala na hiwalay na talaga sila ni John Lloyd.

Well, ‘ika nga ni Vice Ganda, “Kanfirm (Confirmed)!”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page