Akala ng publiko may solusyon na si Cusi sa oil price increase, 'yun pala mamumulitika lang
- BULGAR
- Mar 10, 2022
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 10, 2022
ENERGY SEC. CUSI TUTOK SA PAMUMULITIKA, WALANG PAKI SA OIL PRICE INCREASE – Kamakalawa ay nagpatawag ng presscon si Energy Sec. Alfonso Cusi, at ang buong akala ng mga mamamahayag at ng publiko ay may ihahayag siyang solusyon kung paano maiibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dulot ng Russia-Ukraine war, pero wala pa lang kinalaman sa oil price increase ang kanyang inihayag kundi isinapubliko lang niya ang pangalan ng mga kandidato for senator na suportado ng partidong PDP-Laban ni P-Duterte.
Mahilig pala sa pulitika si Cusi, sana itinalaga na lang ito ni P-Duterte bilang presidential adviser on political affairs, kasi tingnan n'yo naman, sobrang taas na presyo ng mga produktong petrolyo, pero parang walang paki sa mamamayan ang secretary ng DOE (Dept. of Energy)!
◘◘◘
SIBAKIN SI CUSI AT PALITAN NG GOV'T. OFFICIAL NA MAY PAKI SA PROBLEMA NG MAMAMAYAN – Kapag tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, hindi lang mga motorista ang apektado d'yan, kundi ang lahat ng mga Pilipino kasi kapag nagkaka-oil price increase, ang kasunod n'yan ay pagtaas ng presyo ng LPG, mga bilihin, bayarin at pasahe.
Kung ganyan na walang inilalatag na solusyon si Cusi sa problema ng mamamayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ang dapat gawin dito ni P-Duterte ay sibakin sa puwesto, at palitan ng isang gov't. official na may pakialam sa nararanasang problema ngayon ng taumbayan, period!
◘◘◘
SEN. BATO WALANG SARILING DISPOSISYON – Sabi ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa ay hindi pa raw niya puwedeng iendorso ang kandidatura for president ni former Sen. Bongbong Marcos dahil wala pa raw utos sa kanya si P-Duterte kung sino sa mga presidential candidates ang dapat niyang suportahan.
Hay naku, naturingang senador si Bato, pero walang sariling disposisyon, na ang pagiging pulitiko pala niya ay idinedepende pa rin niya sa kung ano ang gusto ni P-Duterte, tsk!
***
BOOSTER NA NAMAN? – Ayon sa OCTA Research Group, unti-unti na raw humihina ang epekto ng COVID-19 vaccines na itinurok sa mamamayan, at dahil halos wala nang epekto ay baka raw next month (Abril) o Mayo 2022 ay dumami na naman ang tamaan ng coronavirus sa bansa.
Sa tema ng statement ng OCTA, parang gusto nitong irekomenda sa gobyerno na 'yung mga nabakunahan at na-booster na, ay i-booster na naman, aray!





Comments