top of page

Akala, hiwalay na sa GF ang aktor, prank lang pala… MARIS , NAPAHIYA NA SA BUONG 'PINAS, ANTHONY 'DI PA RIN TULUYANG NAAGAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 8, 2024
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 8, 2024



Photo: Anthony Jennings at Maris Racal interview - YT


May published quote card ang GMA News kung saan sinabi umano ni Maris Racal na the fire in her heart to work has not died. Aniya pa, she is still looking for that little girl inside of her.  


Ang nakikita raw ng mga tao sa kanya ay hindi isang perfect human, and that she is far from being perfect. In-assure niya ang kanyang mga fans at supporters that she will continue to live and to work. Ipinakita ng aktres ang kanyang desire to just keep on moving.  


“But I can assure you, tuloy pa rin ako, tuloy pa rin ang laban. Magtatrabaho pa rin ako kahit mahirap. Hindi pa rin namamatay ‘yung apoy sa puso ko.  


“I’m still looking for that little girl inside of me. It’s hard to look for her now, but someday, I will find her and I will be able to hold my shadows. What you saw was not a perfect human. I'm far, far from being perfect. What you saw was a human being. I'm just a human being,” wika ni Maris.  


Maraming fans ng aktres ang nagdarasal na sana raw ay matagpuan ni Maris ang katahimikan sa kanyang puso. Kung tahimik nga naman ang buhay ni Maris kay Rico Blanco, naging masalimuot ito nang mapunta siya kay Anthony Jennings.


Ang masakit, napahiya na si Maris sa buong Pilipinas, mukhang hindi rin sa happy ending mauuwi ang relasyon nila ni Anthony dahil sa sinabi niyang 'dumidistansiya' na siya rito romantically. 


Nalaman nga kasi ni Maris na hindi pa pala totoong break sina Anthony at Jam, base na rin sa kanyang tell-all interview.


Pero ang ibang nakapanood ng interview ni Maris, duda sa mga sinabi niyang ang alam niya ay break na ang dalawa, dahil kung mababasa ang laman ng convo na inilabas ni Jam Villanueva, ex-GF ni Anthony, lumalabas na alam ni Maris na may GF pa si Anthony nu'ng time na may namamagitan na sa kanila.


Naku, abangan na lang natin ang mga susunod na hakbang nila after that said interview.



Proud si Claudine Barretto sa pagpasok ng pamangkin ni Rico Yan (SLN) sa showbiz na si Alfy Yan.


Sa Instagram (IG) post ng aktres, aniya, “I am SO PROUD to Announce that another YAN will be part of this industry. Like his Uncle Rico, Alfy will be Changing & touching lives & will continue the YAN LEGACY. We are SO PROUD OF YOU, ALFY! Sa lahat ng #RYCB ETO NA PO PINAKA HINIHINTAY N’YO, MERRY CHRISTMAS TO ALL OF US!!! @gerryytee @alfyy.tueres @tinamarieyan @vivaartistsagency.” 


Si Claudine ay minsan na ring naging parte ng buhay ng Yan Family. Naging boyfriend niya ang late actor bago siya nagpakasal kay Raymart Santiago, kung saan nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Santino.


Hindi naging maganda ang pagsasama ng celebrity couple kaya sila nagkahiwalay.  

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page