top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Airports sa ibang rehiyon, gamitin na – P-BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 28, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | September 28, 2022



Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ang mga airports na matatagpuan sa ibang mga rehiyon ay dapat nang buksan at gamitin.


“Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh.


Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” saad ni Pangulong Marcos sa kanyang speech sa grand opening ng bagong terminal building ng Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga, ngayong Miyerkules.


Ayon kay P-BBM, ang ilang mga flights ay hindi na kailangang dumaan pa sa Manila at dapat na ring mapunta direkta sa mga probinsya.


“Huwag nating pinipilit lahat na kailangan dumaan ng Maynila. So, direct na sa Bohol, direct na sa Cebu, marami na talagang direct. Direct sa CDO, direct sa Davao na mayroon na rin.


Gano’n, para ‘di na kailangang dumaan ng Maynila. Kaya’t itong ganitong klaseng project is exactly on point when it comes to the plans that we have,” sabi ng Chief Executive.


“[The new airport facility is] a perfect example of what government and the private sector can do,” dagdag nito.


Sinabi pa ng Pangulo na ito ay napakalakas na senyales na bansa ay bukas na para sa mga investments mula sa iba pang mga bansa.


Kasama rin dumalo sa okasyon si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco, at iba pang mga kilalang opisyal mula sa pribadong sektor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page