AI AI, NAGSALITA NA SA KASAL NG EX-MISTER

ni Julie Bonifacio @Winner | September 11, 2026

Photo: Ogie Diaz Showbiz Update YT - Ai Ai Delas Alas - IG
Ikinasal na ulit ang ex-husband ni Ai Ai delas Alas na si Gerald Sibayan.
Sa programa ni Ogie Diaz ay inilabas ang larawan na kuha sa civil wedding ni Gerald sa city hall ng San Francisco, USA.
“Wala kaming masyadong detalye dito. Pero ang sigurado, ikinasal na si Gerald Sibayan sa non-showbiz girlfriend nitong ang pangalan ay Nadine,” sabi ni Ogie.
Mahigit pitong taong nagsama bilang mag-asawa sina Ai Ai at Gerald at naghiwalay sila noong October, 2024. After two years, na-finalize ang divorce nila last March, 2026.
So, ilang buwan pa lang silang divorced, heto’t nagpakasal na pala ulit sa ibang babae si Gerald.
Agad nag-post si Ai Ai ng kanyang reaksiyon sa napabalitang pagpapakasal muli ng kanyang ex-husband.
Hindi itinago ni Ai Ai ang kanyang saloobin sa muling pagpapakasal ng dati niyang mister.
“Ok po ako… I wish him well… salamat sa lahat ng mga support n’yo noon hanggang ngayon. Let’s all move forward. God bless po,” lahad ni Ai Ai sa kanyang Instagram.
Positibo ang comment ng kanyang mga IG followers sa naging reaksiyon ni Ai Ai sa wedding ni Gerald.
Reaksiyon nila (as is)...
“Ms ai enjoy life to the FULLEST PO...Iloveyo”
“Baka foreigner ang nakatakda sayo Ms. Ai Ai”
“Iba talaga ang mindset basta kasama si Lord”
Amen.
Sobrang inlabey sa BF…
DONNALYN: BUHAY NI JM, PRICELESS
“Priceless life” ang paglalarawan ni Donnalyn Bartolome sa buhay ng boyfriend niyang si JM de Guzman.
Sinabi ni Donnalyn ‘yan sa kanyang madamdaming birthday message for JM na naka-post sa social media.
Nag-celebrate ng kanyang 38th birthday si JM last Wednesday. At kahapon, nag-post si Donnalyn sa social media ng video nila ni JM.
Sa caption ay may pa-tribute na mensahe si Donnalyn para sa BF.
Caption ni Donnalyn: “Thank you God for JM’s life. The day he was born will be a day I will always be grateful for. His life is a priceless gift. Juan Miguel, Your existence answered questions I’ve had all my life.. and our life together, imperfect, but so beautiful, rooted in our obedience to our Father in heaven.
“I pray He protects you, blesses you more and keeps you healthy! You’ve worked so hard all your life for everything you have and for the people around you. Salamat sa lahat ng pangako na iyong tinutupad. We are blessed to have you in our lives. Happy Birthday to our Papi Chulo!! Hope you enjoy this video of us in the present.. and the past. I hope the future is just as special!”
Kinilig ang mga faney nina Donnalyn at JM sa comment section.
Komento nila (as is), “Iba talaga kapag inlove, gawa ka na kanta te”
“Alagaan at mahalin mo Ng maayos yan Donalyn. Kasi kapag yan Hinde mo inalagaan Ng maayos at bumalik sa akin. Hinde Kuna yan ibabalik sayo”
“Happy birthday sa Pambansang Crush ng mga 90's baby. Ingatan mo po always ang Heart n Ms Donnalyn. Super bagay po tlga kayo dalawa.”
Sabeee?





Comments